Alamin ang mga Tips Para sa mga Babaeng Hirap Mag-Buntis








Ang pagkakaroon ng anak ang isa sa pinakamagandang biyaya na matatanggap ng dalawang mag-asawa. Ang anak ay ang bunga ng pagmamahalan ng dalawang mag-asawa na bubuo sa isang kumpletong pamilya. Ngunit sa kasamaang palad, may ilang mga mag-asawa na tila baga nahihirapang makabuo ng anak. Malungkot man isipin ngunit ito ang katotohanan.

Upang mapataas ang posibilidad ng pagbubuntis, narito ang ilang mabisang tips mula sa mga ekperto:





1. Magpasuri sa doctor
Ang pangunahing hakbang para sa mga pares na hirap makabuo ang anak ay ang pisikal na pagpapatingin sa doktor. Mahalaga ito upang matukoy kung mayroong problema sa kalusugan ng isa man sa mag-asawa, problema sa kalusugan na nakakaapekto sa abilidad na pagbububuntis. Bukod pa rito, mabibigyan din ng doktor ang mag-asawa ng ekpertong payo na tiyak na makatutulong sa kanila sa pagbuo ng anak.

2. Makipagtalik sa tamang panahon
Mas mataas ang posibilidad ng pagbuo ng anak kung gagawin ang pakikipagtalik sa panahon kung kailan lumalabas ang itlog (egg cell) ng babae mula sa obaryo. Ang panahon na ito na tinatawag na ovulation period ay nakapaloob sa 28-31 na araw ng menstrual cycle ng mga babae. Ang ovulation period ay kadalasang nagaganap pagkatapos ng 7 araw mula sa huling araw ng pagreregla.





3. Umiwas sa stress
Ang stress ay tiyak na nakakaapekto sa kalausugan sa pangkalahatan. Kabilang na dito ang kakayanan na makabuo ng anak. Halimbawa, ang libido na nararamdaman ng magkapareha ay maaaring mawala kung masasabayan ng stress.

4. Iwasan ang masasamang bisyo—sigarilyo, alak at iba pa
Ang mga masasamang bisyo gaya ng paninigarilyo, sobrang pag-inom ng alak, pati na ang paggamit sa mga nakakasamang gamot ay may direktang epekto rin sa abilidad ng magkapares na makabuo ng anak. Ang hormones ay maaring maapektohan at mapaliit ang posibilidad ng pagbuo ng anak.

5. Panatilihin ang malusog na pangangatawan ng mag-asawa
Ang pagkain ng balanse at masusustansyang pagkain, gayundin ang regular na pag-eehersisyo, ay hindi nawawala sa mga tips ng doktor. Ito’y sapagkat talaga namang nakakaapekto sa pang-araw-araw na gawain ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan, kabilang na ang abilidad na makabuo ng anak.



Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa