Ang Dating "Iskolar Ng Bayan" Ngayon Ay Isa Nang Milyonaryo Sa Edad Na 26



Sa buhay ng isang tao, wala talagang imposible lalo na kapag ito ay sinamahan mo ng dasal, sipag, at tiyaga. Akala ng iba na ang pagiging milyonaryo ay isa na lamang pangarap, ngunit ito pala ay pwedeng mangyari lalo na kung maabilidad ka lang at masipag. 

Tunghayan ang nakaka-inspire na istorya ng isang lalaki kung paano siya naging milyonaryo sa batang edad na 26.

Ang lalaki ay kinilala bilang si Jhay-R Reyes, na dati ay isang "iskolar ng bayan" sa Polytechnic University of the Philippines o PUP. Noon pa man ay pinapangarap na niyang maging milyonaryo. Ayon sa kanya, mayroon daw siyang goal noon na dapat sa edad na 25 taong gulang ay mayaman na siya, may sariling sasakyan at bahay na talagang matatawag niyang sa kanya. 

Noong nag-aaral pa lamang ang binatilyo ay natutunan na niyang mag-invest sa stocks. Nagsimula raw ito sa maliit na investment na 4 digits lamang (Php9,100+) sampung taon makalipas habang siya ay isang iskolar sa PUP. Nagkaroon ito ng higit 1000 buy at sell hanggang nakamit ang mayroon siya ngayon.

Makalipas ang ilang taon, si Jhay-R ay proud dahil naipatayo niya ang kanyang "dream house." Ngunit ayon sa kanya, ang pinagdaanan niyang iyon ay hindi isang napakadaling experience. Dahil matapos siyang magkapagtapos sa kolehiyo ay namasukan siya sa iba't ibang trabaho sa loob ng 4 na taon. At maging ang kanyang ama ay nagkasak!t, ngunit hindi siya pinanghinaan ng loob.

Sa kabila ng mga pagsubok niya sa buhay ay talagang nagpursigi ito upang makamit ang kanyang pangarap. Ayon sa kanya:

"Every cent, peso I have now came from investments, stocks to be specific. This house came from one stock, and that car came from one stock also. Without any debt, without fooling other people." 

Totoo na ang bunga ng lahat ng kanyang nakamit ay galing sa kanyang sipag, tiyaga, at pagpupursigi na walang binabangga o sinasagasaan na tao. Dagdag pa niya, upang makamit ang iyong mga pangarap, dapat ay wala kang nilolokong ibang tao. 

Ineenganyo ng young millionaire ang lahat ng mga nangangarap na huwag panghinaan ng loob sa pagkamit ng tagumpay. 

"When you dream, make it a goal and for you to achieve your goal, you should move to achieve those goals and stop complaining and whining about the things you can't control."

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Nagtanim Ng Milyong Puno Ang Mag-asawa Sa Loob Ng 20 Taon At Ang Kinalabasan Ay Talagang Napakaganda