Bakit nga ba Tayo Humihilik Kapag Natutulog? Tips at Solusyon Upang Ito ay Maiwasan!



Sawa ka na bang makarinig ng Snore o hilik kung tawagin sa tagalog? O ikaw ang pinagtatawanan dahil sa iyong hilik kaya naman nahihiya ka nang makitulog sa ibang bahay o kahit makaidlip lang sa pampasaherong sasakyan? Ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit nakakagawa ka o ang ibang tao ng ganitong tunog? Ayos lang ba kung hindi ito mawawala sa isang tao? Narito ang mga kasagutan sa iyong tanong!

Minsan kahit ito ay nakakairita pakinggan, dapat pa rin natin itong pagtuonan ng pansin dahil maaari itong maging sanhi ng isang seryosong s@k!t tulad ng obstructive sleep apnea (OSA) na minsang pagtigil ng hininga sa gitna ng gabi. Ang pag-hilik ay nangyayari sa ating pagtulog dahil kapag tayo ay tulog hindi natin naigagalaw ang mga muscles na nakakapagbigay ng daan para sa hangin na dumadaan dito kaya naman nagvi-vibrate tuwing ito nag-iInhale o kaya naman ay nag-Exhale.




MGA RASON KUNG BAKIT NGA BA ITO NANGYAYARI:

1. Pagtanda
Lahat ng tao ay dumadaan sa ganitong parte ng buhay at isa itong rason kung bakit nawawalan ng control sa ating mga muscles na katulad ng muscles sa ating bibig at lalamunan na nagpapanatili ng airways o daanan ng hangin habang tayo’y tulog.

2. Baradong Ilong
Ang sipon o iba pang kondisyon na kung saan nagkakaroon ng pagbuo ng mga bagay na nagiging sagabal sa daanan ng hangin sa ating bibig o ilong ay ang sanhi ng pag-hilik. Dahil dito, nahaharangan ng sobrang production ng mucus na napupunta sa ating lalamunan kapag nakahiga.

3. Posisyon ng Pagtulog
Minsan maririnig nalang nating magsalita ang matanda ng “ibahin mo ang posisyon ng iyong kapatid para hindi na humilik”, tama sila, dahil ang ibang tao kung nakahiga ng patihaya ay mas malakas ang hilik kaysa sa hilik nila kung sila ay patagilid na nakahiga. Madalas dahil sa kanilang posisyon ng pagkakahiga nakadepende kung mas maluwag bang makakahinga o hindi.

4. Paginom ng Alak o Gamot
Hindi lang ang utak at katawan natin ang napapahinga ng alak kundi pati na rin ang daanan ng hangin na nagiging sanhi ng vibration o pag-hilik. Nagiging sanhi rin ang ilang paggagamot tulad ng antihistamines, sleeping pills, na dahilan rin ng relaxation ng ating katawan.

5. Pagdagdag ng Timbang
Nagiging mas makipot ang daan para sa labasan ng hangin sa ating katawan sa tuwing  nadaragdagan ang ating timbang dahil nadaragdagan rin ng tissue ang ating mukha at lalamunan.




May Solusyon nga ba para matanggal ito? Narito ang Sagot:
Kung nabasa mo ang mga rason kung bakit nagkakaroon ng ganitong tunog kung natutulog ang isang tao, obvious na kung ano ang dapat mong gawin, magbawas ng timbang o kaya naman ay umiwas sa alak at paninigarilyo at ang pinakamadaling gawin ay ang pag-bago ng posisyon kung matutulog.



Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa