Bride Gumawa Ng Wedding Gown Na Gawa Lang Sa Papel Para Sa Araw Ng Kanyang Kasal!


Pangarap ng karamihan sa mga babae ang magkaroon ng maganda at memorable na wedding. Sa iba ito naman ay talagang pinaghahandaan at pinagkakagastusan. Isa na ritong pinagkakaabalahan ng mga babaeng ikakasal ay ang kanilang isusuot ng wedding gown.

Siyempre ang nais lang naman nila ay lumitaw sila ang pinakamaganda sa araw nilang iyon habang suot suot ang puting trahe de boda. 

Ngunit sa hirap ng buhay ngayon, hindi lahat ng mga bride ay may perang pampatahi o pambili ng kanilang dream wedding dress. Tulad na lang ng de papel na wedding gown ni Maricel Capinig AbaƱo noong siya ay ikinasal sa kanyang asawa na si Ronald Lucena Mata. 

Naging agaw atensyon ang wedding day na ginanap sa Fernwood Gardens sa Sanville, Quezon City dahil si Maricel ay nagsuot ng gown na ginawa niya gamit ay puting cartolina at bond paper. 

Kwento ng bride, maliit lamang ang sahod ng kanyang mister bilang isang landscaper. Mayroon pa silang tatlong maliliit na anak na binubuhay at saka nangungupahan lamang sa isang maliit na kwarto kaya wala talaga silang pera para makabili, magrenta, o magpatahi ng sariling wedding gown. 

Kaya para matuloy ang kanilang kasal ay naisipan na lang niyang gumawa ng wedding gown mula sa pinagdikit-dikit na puting papel. Ayon kay Maricel, tinulungan siya ng kanyang mga kaibigan na sina Jellie at Ereca upang matapos nila ang kanilang wedding gown project.

Makalipas ang tatlong araw ng pagsisikap ay nakumpleto nila ang isusuot na gown ni Maricel na hindi gumagastos ng napakamahal para sa mga materyales.

Aniya, hindi naman daw sila nahirapan sa paggawa ng papel na wedding gown dahil hilig niya rin ang arts kaya naman nagtulungan silang magkakaibigan para mairaos lang ang kanyang kasal. 

"Kahit papel po ang gown ko, proud ako na isuot ito sa pinakamahalagang araw ng buhay ko dahil sa pinaghirapan at pinagtulungan po namin ito. At the same time, naging creative ako sa sarili ko."

Ang nakakatuwa pa ay maging ang wedding bouquet na ginamit ni Maricel ay gawa sa iba't ibang kulay ng papel na ginawang mga rosas. Maging ang kanilang maliit na entourage ay may kaparehong paper touches sa kanilang skirt.


Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera