Isang Anak ang Nagbigay ng Regalo sa Kaniyang Ama at Ganito ang Naging Reaksyon Nito







Ang mga bata ay maswerte kung sila ay nakakaranas ng sobrang pagmamahal mula sa kanilang mga magulang. Kahit pa man madaming sakripisyo ang ginagawa ng mga magulang para sa kanilang mga anak, maraming mga magulang ang hindi humihingi ng kapalit dito. Ngunit, kung ang isang magulang ay makakatanggap ng pagmamahal mula sa kanilang mga anak gaya ng kanilang binibigay, ito ay matuturing na biyaya talaga. 

Kalat ngayon ang isang viral video ng anak na nagbigay ng isang di inaasahang regalo sa kaniyang ama na talaga namang nakapagbagbag damdamin sa mga netizens sa social media. Ang post ay kumalat sa facebook sa pamamagitan ng isang tao na nagngangalang Azie Haziyah noong Disyembre 29 at naging viral ito. 






Isang tatay ang naguguluhan noong inutusan siya ng kaniyang anak na lumabas ng kanilang bahay. Mas lalo siyang naguluhan ng makakita ng isang kulay asul na Perodua Bezza na nakaparada sa harap ng kanilang bahay. Nagkaroon lang ng linaw sa tatay nang ibigay ng anak ang isang susi at sinabing ang kotse na iyon ay pagmamayari mismo ng ama. Akala ng ama na ito ay panaginip lamang ngunit kamakailan ay bumuhos nadin ang luha nito at niyakap ang anak. 



Maraming mga netizens ang natuwa sa ginawa ng anak na iparamdam sa kaniyang ama na ito ay espesyal. Marami ang na-touch at nainspire na ipakita nila din ang pagmamahal nila sa kanilang mga magulang. Gaya ng ama, maraming mga netizens ang nagbahagi ng kanilang eksperiyensya sa panunuod ng video na ito na pati sila ay napaluha dito. 

Sa ngayon, ang video na kumalat mula kay Haziyah ay mayroon nang 1.1 million views, mahigit sa 1,700 comments at nabahagi sa social media nang halos 11,000 na beses.


Comments

Popular posts from this blog

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Dating Beauty Queen na si Dayanara Torres, Lumalaban Ngayon Sa Isang Malubhang Karamdaman

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Ito Pala ang Dahilan Kung Ano ang Nangyari sa Mata ng Aktor na si Randy Santiago

Lalaki, Tinupad Ang Dream House Ng Kanyang Ama Na Matagal Ng Pinapangarap