Ito ang 7 na Food for the Brain na Dapat Nating Kainin Para Tumalas ang Ating Memorya!




Ano-ano nga ba ang mga pagkaing dapat kainin na nakakatulong sa ating utak? Sobrang dami nating alam na mga pagkain ngunit di natin alam kung ito ba ay malusog para saatin. Mayroon tayong tinatawag na "brain foods" na kung saan ito ay mga pagkaing may positibong epekto sa ating utak at mas pinapabilis nito ang ating pag-iisip. 

Narito ang pitong halimbawa ng mga brain foods na dapat nating kinakain dahil ito'y makakatulong sa ating pag-iisip:

1. Orange o Dalandan

Ang orange ay kilalang prutas dahil sa pagkakaroon nito ng maraming Vitamin C. Maraming benepisyo ang vitamin C, iniiwasan nito ang pagkakaroon ng sak!t sa puso, pinapabilis nito ang produksyon ng white blood cells sa katawan, at mas pinapabuti nito ang pagkakaroon ng magandang memorya at pag-iisip.

 2. Kape



Ang kape ay kilala bilang magandang "antioxidant" at pino-protektuhan nito ang utak na maiwasan ang cell death na kung saan maaari kang magkaroon ng dementia at iba pang mga sak!t. Mas magandang inumin ang purong kape (black coffee) na walang halong gatas at asukal dahil ito'y mas epektibo at malusog para sa katawan. 


3. Avocado 

Ang abokado ay isang prutas na pinanggagalingan ng healthy fats na tinatawag na mono unsaturated fats. Ang mono unsaturated fats na ito ay nakakatulog din sa pagdaloy ng dugo na nangangahulugang malusog na utak. Ang abokado rin ay nakakababa ng blood pressure na maaaring mag resulta ng sak!t na cognitive na kakayahan. 

4. Green tea

Karamihan sa atin ay kape ang iniinom ngunit ang green tea ay maganda ring "antioxidant" para sa katawan at utak. Mayroon itong caffeine at L-theanine na binababaan ang posibilidad na magkaroon ng anxiety. Maraming nagsasabi na ang green tea na malaking tulong sa pagkakaroon ng enerhiya at gana sa pang araw araw na mga gawain.

5. Oatmeal 

Ang oatmeal ay kadalasang ginagawang pang-umagahan, at may magandang rason kung bakit. Ito ay dahil mayroon itong maraming carbohydrates na parang glucose na pinapataas ang blood sugar level. Ang glucose ay mabilisang nakakarating sa utak para ito ay gumana na kung saan kapag mas maraming glucose sa iyong utak, mas makakapag isip ka ng maayos at makakapag-focus.



6. Raisins 

Ang raisins ay pinakapinanggagalingan ng boron. Ang boron ay nakapag gagaling ng hand-eye coordination at short term memory. Ang pagkain na ito ay nakakatulong din sa mabilisang pagpapahilom ng mga sugat at iniiwasan ang pagkaroon ng deficiency sa bitaminang D.

7. Presa (Strawberry)

Ang prutas na ito ay tinutulungan kang maiwasan ang pagiging makakalimutin at mas pinapabagal ang proseso ng pagkakaroon ng Alzheimer's. Ang strawberry din ay mayroong potasyum na tumutulong sa pagdaloy ng dugo sa katawan.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!