Ito ang Anim na Warning Signs na Ikaw ay Dehydrated




Sa tuwing maraming ginagawa naiinis tayo kapag nakakaramdam ng uhaw. Lalo na kung nagmamadali at naghahabol ng oras. Ngunit hindi natin alam na lubos na nakakasama ito sa ating katawan at kalusugan. Kaya ang pagkakaroon ng dehydration ay huwag ipagsawalang bahala.

Tubig ang isa sa pinakaimportante sa atin hindi lang dahil sa kailangan ito sa pangaraw-araw kung hindi lubos na kinakailangan ito ng ating katawan. Ang kagandahan ng ating kalusugan ay nasa trenta porsyento ang maitutulong ng tubig. Ito rin ang tumutulong upang maalis ang mga toxins at mailabas ito sa ating katawan. Tubig ang isa sa sagot para mapanatiling malusog ang iyong balat. Nakatutulong rin ito sa inyng mata at kasukasuan. Kaya huwag kaligtaan na uminom ng tubig pagkagising sa umaga, pagkatapos kumain at bago matulog. Tiyakin na uminom ng walo hanggang sampung baso ng tubig araw-araw para sa ikakaganda ng kalusugan.

Kung ikaw ay isa sa mga taong binabalewala ang paginom ng tubig. At hindi naiisip kung ano ang maaaring mangyari sayo kung patuloy mo itong gagawin ay kailangan na magbago na ang iyong gawain dahil hindi nalalayong magdusa sa pagkakaroon ng dehydration sa inyong katawan.




Narito ang anim na senyales ng water dehydration:

1. Heart Palpitation

Kung ang ating katawan ay nasa normal ang dami ng tubig ay kaya nitong balansehin ang lahat ng trabaho na kailangang gawin ng ating katawan. Ngunit kung kulang ito ay maaaring makaranas ng palpitation. Nararanasan ang heart palpitation kung nagtataglay ng mababang potassium at lebel ng asukal sa ating dugo. Ang sobrang pagpapawis at pagtatae na nailalbas ang mga tubig sa ating katawan ay isa rin sa dahilan kung bakit makararanas ng paltipation. Dahil sa hindi paginom ng tubig kaya mauuwi ito sa dehydration.



2. Bad Breath

Ang laway ay pinoprotekhan nito ang ating ngipin laban sa dumi, pagkabulok at sak!t. Sa pagprotekta ng laway ay natutulungan nitong malinisan at maalis ang mga pagkain na nadikit sa pagitan, loob at labas ng ngipin. Ngunit kung ikaw hindi madalas uminom ng tubig maaaring maranasan ang dehydration. Sa kasong ito mapapababa ang paggawa ng laway sa iyong bibig kaya naman ang kakayahan nito ay hihina na magiging sanhi ng pagdami ng bakterya sa bibig na magdudulot ng mabahong hininga.

3. Muscle and joint pain

Kung ang katawan ay kulang sa tubig mararanasan ang pananakit ng mga kasukasuan at kalaman. Ang tubig ang tumutulong sa ating katawan na mapanatiling maaayos ang mga kasukasuan at kalamnan. Dahil nasa anim na pung porsyento pataas ng ating kasukasuan ay binubuo ng tubig. Kaya sa pagkawala ng tubig sa ating katawan ay magkiskisisan ang mga ito na siya namang magsasanhi ng pananak!t at implamasy0n.


4. Headaches

Madalas na makaranas ng pananakit ng ulo? Maaaring dahil na iyan sa dehydration. Ang fluid sa ating utak ay pinanatiling pinagtatama ang ating bungo. Para mapanatiling ligtas ang iyong utak sa tuwing naglalakad o tumatakbo. Kaya kung ang fluid na ito ay bumaba, ito ang sanhi ng pananak!t ng ulo.  Kaya panatilihing uminom ng tubig para hindi makaranas ng pananakit ng iyong ulo.


5. Fatigue


Ang pagkawala ng fluid ay siyang nagdudulot ng pagbaba ng inyong dugo sa katawan at pagtaas ng pressure sa inyong dugo. Kaya naman ang ating puso ay kailangan na lawakan ang kaniyang trabaho para mapakain ang utak, balat at kalamnan kasama ng nutrisyon at oxygen. Kaya naman sa sobrang lawak at kailangang maging mas malakas ang enerhiyang gagawin ng ating puso ay magdudulot ito ng kapaguran sa ating katawan at madalas na pagkaramdam ng pagkaantok.


6. Constipation and Poor Digestion

Alam naman nating malaki ang maitutulong ng paginom ng tubig sa tuwing nahihirapan tayong magdumi. Kaya huwag hayaang maging dehydrated ang iyong katawan. Dahil kung kulang ng tubig ang iyong katawan ay mahihirapang itulak o maalis ang dumi sa inyong sistema.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!