Kinaaliwaan Ang "Rizal Park" Na Ito Na Matatagpuan Sa China!


Kapag sinabing historical places in Manila, unang una na sigurong papasok sa inyong isipan ay ang Rizal Park o mas kilala bilang sa tawag na Luneta. Matatagpuan kalapit ng Manila Bay ay ang pinakaimportanteng lugar na ito sa kasaysayan ng Pilipinas dahil dito ginugunita ang kabayanihan ng ating pambansang bayani.

Ang makasaysayang lugar na ito ay naging paborito na ring pook pasyalan ng mga tao lalo na tuwing linggo o kapag national holidays. Ito rin ang isa sa mga tourist attractions ng Maynila. Ngunit ang pangit lamang dito, ang mga taong nagkakalat pagkatapos nilang mamasyal sa park. 

Pero alam niyo ba na hindi lang pala sa bansang Pilipinas mayroong monumento si Jose Rizal? Sa katunayan, ang eksaktong replica ng Jose Rizal monument ay mayroon ding nakatayo sa Jinjiang City sa China.

Itinayo ang monumentong ito bilang pagpupugay sa great-great grandfather ni Gat Jose Rizal na si Domingo Lamco na isang Chinese sa Zhang-Guo Province. Siya ay isang dating residente at citizen at pinaniniwalaang nasa naturang village ang ancestral home nito. 


Ang konstruksyon ng replica ng Rizal Shrine ay sinimulan noong 2002 at natapos noong Enero 2003. Itinayo ito sa limang hektarya ng People's Cultural Plaza sa Jinjiang City ng Qiongque Village sa China. At ito raw ang pinakamalaking "Rizal Park" na nasa labas ng Pilipinas. 

Naging sari-sari naman ang naging reaksyon ng mga netizens at makikita ang pagkukumpara sa dalawang monumento.

"Mabuti pa monument sa ibang bansa well respected, walang photobomber!"

"Buti pa doon malawak ang Luneta."

"Buti nga mas pinahalagan nila si Rizal compared dito. Me building na sa likod diba."

Ayon naman sa isang netizen, mas maganda raw iyong sa China dahil walang building na nasa likod nito. Ang building na tinutukoy nito ay ang kontrobersyal na Torre de Manila na binansagang "Dakilang Photobomber" dahil kapag kinunan mo ng larawan ang Rizal Shrine sa Maynila ay may kalikod na building na sumisira sa view ng monumento. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera