Kinaaliwan Ang Empleyado Na Ito Na Nagsuot Ng SpiderMan Costume Sa Kanyang Last Day Sa Trabaho



Kapag ikaw ay nagtatrabaho sa isang opisina lalo na sa bangko, tiyak na mayroong silang mga dress code na sinusunod. Ang ilan ay nakasuot ng pormal upang maipakita ang kanilang pagiging propesyonal.

Ngunit ang isang empleyadong ito na pa-resign na ay pumasok para sa kanyang last day sa trabaho ay kinagiliwan sa social media pati ng kanyang mga katrabaho dahil sa sinuot nito.

Malamang sa ilang mga nagreresign sa kanilang trabaho ay nagdudulot ito ng iba't ibang emosyon. May halong pagkalungkot dahil iiwanan mo na ang iyong mga naging kaibigan sa iyong workplace, sa ilan naman ay masaya dahil sa wakas makakalaya ka na sa toxic mong trabaho at maaari ring takot dahil isa na namang malaking pagbabago ang iyong haharapin sa araw-araw. 

Ngunit ang nais lang naman ng bawat empleyadong nagreresign ay makapag-iwan ng munting alaala  sa kanilang mga kaopisina at gawin itong "fun day" dahil ito na ang huling araw na haharapin nila ang kanilang trabaho.

Ayon sa isang Imgur post, nagreport ang ex-banker na ito sa kanyang last day of work suot-suot ang isang SpiderMan costume. Makikita na nagcocomputer, nakikipag-usap sa kanyang mga katrabaho at palakad-lakad na suot ang kanyang costume.

Sayang lang dahil sa analysis department siya nagtatrabaho kaya hindi siya gaanong nakita ng mga cliente. Ngunit makikitang tuwang-tuwa naman ang kanyang mga ka-officemates dahil ang duot niyang superhero costume ay isa sa mga paboritong Marvel superheroes.

Marami ang naaliw sa kanya at makikita na kinukuhanan siya ng mga pictures at videos at saka iupload ito sa internet. 

Maging ang mga netizens sa social media ay nag-iwan ng mga comments tungkol sa kanyang pakulo. Nagviral ang mga pictures at na-featured din sa iba't ibang malalaking sites tulad ng 9gag.

Hindi man nakunan kung anong naging reaksyon ng kanyang boss tungkol dito ay tiyak pinayagaran na rin siya dahil ito na rin naman ang kanyang last day bilang isang banker. 


Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!