Laking Gulat Ng Lalaking Ito Nang Madiskubre Ang Ancient Underground City Na Ito Sa Ilalim Mismo Ng Kanilang Basement



Napakaraming natatagong yaman at sikreto ng ating mundo. At ang ilan sa mga kayamanan at sikretong ito ay nanggaling pa sa ating mga ninuno. Sa paglipas ng panahon, ang mga ito ay napapabayaan at nakakalimutan na.

Pero talagang napakaswerte mo naman sa panahon ngayon kung nakadiskubre ka ng sinaunang kayamanan, lalo na kung ito ay isang siyudad na naging tirahan pa ng mga sinaunang tao. Akala natin na sa mga pelikula lamang nangyayari ang mga ito. 

Ngunit ibahin mo ito, dahil isang lalaki na taga Cappadocia, Turkey ay nakadiskubre ng hindi lamang kayamanan kundi isang ancient underground city noong 1963 sa ilalim mismo ng kanilang bahay. Ang nasabing underground city ay ang city of Derinkuyu.

Ang city of Derinkuyu ay matatagpuan 60 meters sa ilalim ng lupa na mayroong 18 na palapag. Ang buong siyudad na ito ay inukit mula sa bato na matatagpuan sa ilalim ng lupa ng Cappadocia. Tinagurian din itong "deepest underground city in the world."

Kung uso ngayon ang pataasan ng building ay hindi mo aakalain na noong unang panahon ay mayroon palang lugar na ganito, isang buong siyudad na nakabaon sa lupa. 

Dinisenyo ang Derinkuyu para sa 20,000 na kataong pwedeng manirahan kasama ang kanilang mga alagang hayop. Matatagpuan din dito ang mga bahay, simbahan, food storage areas, at maging pati eskwela. 

Ang nasabing siyudad ay mayroong mga sikretong entrances. Binuo ang ancient city na ito noong unang panahon upang maprotektahan ang mga tao sa panahon ng giyera o sakuna. Ginawa rin itong refuge ng mga Mongolians noong taong 1300's.

Noong unang panahon, ang Derinkuyu ay may connecting entrances din sa iba pang underground cities. Ngunit noong taong 1923 nang inaband0na na ng mga tao ang nasabing siyudad. Hinarangan nila ito ng mga malalaking pintuang bato upang maisara ang mga secret passages.

Nang matapos na ang mga giyera, ang siyudad ay ginawa na lamang storage. Pero noong taong 1969 matapos itong ma-rediscover ay  muli itong buksan sa publiko. Sa ngayon, ang kalahati ng ancient city ay binuksan para sa mga interesadong taong may nais iexplore ang nasabing underground city. 


Comments

Popular posts from this blog

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Dating Beauty Queen na si Dayanara Torres, Lumalaban Ngayon Sa Isang Malubhang Karamdaman

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Ito Pala ang Dahilan Kung Ano ang Nangyari sa Mata ng Aktor na si Randy Santiago

Lalaki, Tinupad Ang Dream House Ng Kanyang Ama Na Matagal Ng Pinapangarap