Limang Bagay Na Maaaring Magkapagdulot Ng Acid Reflux o Heartburn

Ang acid reflux ay isang kondisyon na kung saan ang mga asido sa iyong tiyan ay bumabalik paitaas sa iyong dibdib at lalamunan. Sa ibang termino, inatawag din itong heartburn o indigestion dahil nagsisimula ito na parang umaapoy na dibdib at paraang umaakyat ang iyong kinain pabalik sa iyong lalamunan.

Narito at alamin kung ano nga ba ang mga bagay o gawain na nakakapagdulot nito.

1. Pagiging overweight

Ang pagiging obese ay isang maaaring rason kung bakit na nakakaranas ng acid reflux. Nagpag-alaman sa mga pag-aaral na ang mga taong overweight ay mas mataas ang tiyansa na magka-heartburn dahil ang sobrang taba sa kanilang belly area ay nakakapagpataas ng pressure sa tiyan na siyang nagdudulot ng pag-akyat ng mga fluid pataas sa lalamunan.

2. Paghiga matapos kumain

Matapos kumain at mabusog ay masarap humiga at matulog. Ngunit ang gawaing ito ang maaaring makapagdulot sa iyo ng hindi pagkatunaw ng pagkain at heartburn. Nararapat na pababain muna ang iyong kinain bago humiga o matulog.

3. Pag-eehersisyo matapos kumain

Ang pag-eehersisyo  at paggawa ng mga mabibigat na bagay matapos kumain ay maaaring magdulot ng pressure sa iyong abdominal cavity at acid reflux. Makakabuti kung mag-ehersiyo ilang oras matapos kumain o kaya naman bago kumain.

4. Mga ilang pagkain

Ang acid reflux ay maaari ring maranasan dahil sa uri ng pagkaing kinakain. Ang mga pagkaing tulad ng citrus fruits, kamatis, mint, fatty foods at maanghang ay mga pangunahing nakakapagdulot ng acid reflux. Kung kakainin ang mga ito, mabuti kung pakonti-konti lamang o gawing dahan dahan ang pagkain.

5. Pagbubuntis

Ang pagbubuntis ay nakakapagpabago sa hormones ng isang babae gayundin ang pagdagdag ng pressure sa kanyang tiyan dahil sa lumalaking sanggol sa loob ng kanyang sinapupunan. Habang lumalaki ang kanyang dinadala ay mas nagkakaroon ng pressure sa kanyang stomach na maaaring makapagdulot ng acid reflux. Ngunit ito ay maaari rin namang hindi na maranasan pagkatapos manganak.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera