Mag-asawa, Binahagi ang Naging Karumal Dumal na Sinapit ng Kanilang Kasal Mula sa Isang Event Coordinator








Pinapangarap ng lahat ng babae ang magkaroon ng romantic at magandang wedding, sinisigurado mismo ng mga babae na lahat ng detalye ay maayos dahil ang kasal ay nangyayari lamang minsan sa buhay ng isang tao. Ngayong panahong ito ang pagplaplano ng wedding ay madali na lamang dahil ay mga katulong na tayong wedding organizers na maaring tumulong satin na makamtan natin ang ating dream wedding. Ang serbisyo na naibibigay ng isang wedding planner at organizer ay ang pagcoordinate ng mga logistics, disenyo, at pag mamanage ng wedding. 

Ang mga wedding coordinators ay binabayaran para magkaroon ng kampante ang bride na magiging maganda ang kalalabasan ng event ng kaniyang kasal. Ngunit walang perpektong event talaga, maaring magkaroon ng aberya anumang oras at nandyan din ang coordinator upang siguraduhin na ito ay mahahawakang mabuti at walang maidudulot sa mag-asawa na hindi maganda. 






Ngunit pano kung ang taong kinuha ninyo na maging event planner na siyang magaayos sa inyong kasal ang mismo ding sisira ng inyong once-in-a-lifetime na kaganapan sa buhay. Ito ang nangyaring nightmare para sa isang newly wed na couple na imbis na dumiretso sa kanilang honeymoon pagkatapos ng wedding ay pumunta sa police station upang magsampa ng kaso sa kanilang kinuhang event coordinator.

Ayon sa facebook post ng isang nagngangalang Yhang Yhang, ang magasawa ay gumastos ng P140,000 para sa kabuuang koordinasyon ng wedding coordinator. “Yung tipong pagkatapos sana ng wedding ay honeymoon na, kaso sa presinto ang deretso! Ateng malaking eskandalo, abala at kahihiyan ang ginawa (mo)! Di ka na naawa sa ikinasal!” animo ni Yhang.







Ibinahagi ni Yhang ang mga listahan ng kapalpakan ng coordination noong araw ng kasal kasama na dito ang pagkawala ng floral arrangement sa simbahan kung saan naganap ang seremonya, walang disenteng pagkain at tila parang mga paninda sa karinderia o food stalls ang mga nakain ng bisita at ang paglilinlang ng kanilang cake na tila dalawang patong sa laki ngunit ang ibaba pala ay gawa lamang sa Styrofoam. 

Ayon kay Yhang, ang coordinator ay pilit nagbibigay ng kaniyang dahilan sa nangyaring aberya at sinisi pa nito ang kaniyang business partner na tumakbo habang ang lahat ay nangyayari. Ang viral video ng bride ay makikitang ito ay umiiyak sa loob ng police station. Sa karagdagan, ang groom ng bride ay isang Taiwanese national pa na ang mismong pamilya din nito ay dumayo pa mula sa Antique, Palawan para lang masilayan ang event na ito.

Narito ang mga komento ng mga netizens:






Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!