Mga Epektibong Home Remedies Na Puwedeng Pang-alis ng mga Kuto!



Nahihiya ka ba sa kaka-kamot dito, kamot doon? Mga pesteng kuto o lice na maliit man kung makita sobra naman ang bigay nitong pangangati sa ulo at ang hirap hirap pang tanggalin dahil ang iba ay nakadikit na sa anit natin. Pangalan pa lamang na “kuto” ay mapapakamot ka na sa iyong ulo at maiirita kapag narinig ito.

Ang lice o kuto ay mga insekto na namumuhay sa katawan ng tao sa pamamagitan ng pagsipsip sa ating dugo at madali itong kumalat o makuha mula sa ibang tao sa paghihiraman ng personal na mga gamit tulad na lamang ng suklay. Hindi lamang ito nangyayari sa ating ulo kundi pati na rin sa katawan at pubic area kaya naman sana habang maaga pa lamang ay maagapan na ito para hindi na mas lalong dumami pa habang tayo tumatanda. 




Narito ang ilang mairerekomenda naming bagay na makikita sa bahay na maaaring gamitin upang maalis ang mga kutong ito.

1. Bawang
Hindi lang pala bampira ang pinapaalis ng bawang, pati na rin ang maliliit na kuto? Mula pa sinaunang panahon isa na ang bawang bilang nirerekomendang pantanggal ng mga kuto dahil meron itong kakaibang amoy—matapang na amoy. Ang kailangan lang gawin ay ihalo ang 8 hanggang 10 na piraso ng garlic sa konting lime juice at ipahid ito sa iyong anit o ulo sa bawat lingo sa loob ng isa hanggang dalawang buwan. 

2. Mayonnaise
Hindi na natin kailangang lumayo pa para lang matanggal ang mga makakating bagay na ito, dahil tumingin ka lang sa ref ng bahay niyo makakakita ka na ng makakatulong dito, ang mayonnaise. Sabi ng ilang eksperto ikalat lang sa ulo ang mayonnaise at takpan ito ng showering cap hanggang sa mag-umaga, nakakatulong daw ito sa pamamagitan ng pagsuffocate sa mga kuto, at kinabukasan kapag sinuyod na ang buhok makikitang namatay na ang ibang kuto. Siguraduhing banlawan ito ng mabuti para naman maalis talaga ito. 




3. Salt and vinegar
Kapag pinaghalo itong dalawang ito, tiyak makakabuo ng isang bagay na nagpapaluwag ng pagkapit ng kuto at nadedehydrate rin niya ito. At sa pamamagitan ng pagsusuklay o paggamit ng suyod madali na lang maalis ito.

4. Petroleum jelly
Ang petroleum jelly ay parang pamalit sa coconut oil na isa ring pantanggal ng mga maliliit na kuto sa anit o ulo. Ito ay nakakapukaw ng mga kuto na nakadikit sa mismong anit ng tao.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera