Muling Lumitaw Ang Barkong Ito 80 Taon Na Ang Nakalipas Nang Itong Lumubog


Ang mga karagatan dito sa ating mundo ay may tinatagong kani-kanyang kayamanan. At ang mga tinatagong treasures na ito ay minsan ay nanatili na lamang sikreto hanggang hanga. Sa lawak ng nasasakop ng tubig sa ating mundo, sino nga bang tao ang tiyak na nakakaalam kung ano pa ang mga nakatagong laman ng mga ito.

Sa tagal nang nagdaang panahon, hindi inakala na ang lumang barkong ito ay muli lilitaw mula nang ito'y lumubog. Halos 80 taon na ang nakalipas nang ang barkong SS Monte Carlo o tinawag na Sin Ship ay nasira ng isang napakalakas na bagyo sa New Year's Eve noong taong 1937.


Ang anchor nito ay nawalan ng pagkakapitan kaya ang barko ay napadpad na lamang sa baybayin ng isang beach sa Coronado Shores, California. 

Walang nagtangka na angkinin ang barko na dati ay tinawag na "pleasure place." Kaya ito tinawag na ganito dahil dati ay naghohost doon ng mga malalaking parties at habang ito ay nasa laot doon nangyayari ang pasugalan. 

Ang tinawag dati na Sin Ship ay nanatiling nasa tubig habang ang ibang parte ng wreckage ay makikita dahil sa mga strong tides. Dumating ang taon na nagkaroon ng El NiƱo sa mundo at ito ang naging daan kaya ang 90-metre na barko ay makikita ng naka-expose.

Makikita na ang mga lumang slot machines, furnitures, at mga bote ay lumulutang lutang na lamang paligid. Kaya naman ang mga ibang tao na nasa beach ay pinulot ang mga ito.


Samantala, nirecover na ng mga awtoridad ang mga natirang mga kagamitan sa barko. At ayon sa mga sabi-sabi na mayroon pang mga silver coins na humihigit $140,000 ang hindi pa kine-claim. 

Ang shipwreck ay makikita sa baybayin tuwing low tide. Naging tourist spot na rin ito dahil ang mga bumibisita dito ay maaring maglakad sa ibabaw ng nasabing shipwreck at iexplore ang lumang barko. Ngunit binabalaan pa rin sila ng mga lifeguards ng Coronado na mag-ingat. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Nagtanim Ng Milyong Puno Ang Mag-asawa Sa Loob Ng 20 Taon At Ang Kinalabasan Ay Talagang Napakaganda