Napaiyak Ang Matandang Lalaking Ito Matapos Lumuhod Ang Isang Flight Attendant Upang Siya'y Pakainin


Napakaraming bagay talagang nagagawa ng kabutihan lalong lalo na kapag ito ay ginawa nang bukal sa iyong kalooban. Kahit na ito ay isang napa-simpleng gesture ay tiyak sa iba ay isa itong napakalaking bagay.

Marami ang humanga sa isang flight attendant na ito nang gawin niya ang napakabuting gawain na ito sa kanilang matandang pasahero. Isang matandang lalaki na galing sa Zhenzhou at papuntang Hainan sa South China ang sumakay sa kanilang airlines. 

Ang matanda ay kinilala bilang si Mr. Niu, 71 taong gulang na kamakailan lamang na-istr0ke at hindi  na niya kayang humawak ng kutsara at kumain mag-isa dahil sa kanyang naging karamdaman. Siya ay isang retiradong propesor ng medisina, ngunit dalawang taon na ang nakalipas nang siya ay ma-istroke at ang kalahati ng kanyang katawan ay naparalisa.

Samantala,isang napakabuting flight attendant naman ng HUY302 flight na kinilala bilang Ms. Fan ang nagpakita ng pagmamalasakit upang tulungan ang kawawang matanda. Maraming ibang pasahero ang naka-witness kung papaano pinakain ng babae ang matanda. 

Ayon kay Mr. Niu, kasama niya sa biyahe ang kanyang asawa. Ngunit hindi sila nabigyan ng priority seat kaya naman magkahiwalay ang upuan nila sa eroplano.

Nakita ng flight attendant na hirap kumain ng mag-isa ang matanda kaya naman naisipan niya itong tulungan. Kahit na hirap ngumuya at lumunok ang matanda ay talagang pinagtiyagaan niya itong mapakain.

Ayon kay Ms. Fan, napaiyak ang matanda nang sinabi niyang gusto siyang tulungan ng mabuting flight attendant. Makikita na pinunasan pa niya ang mga luha ng matanda.

Ayon kay Ms. Fan, inilipat niya ang matanda sa front seat upang mas maluwag ang espasyo nito at mas malapit siya sa bathroom. At para narin ma-assist niya nito kung nangangailangan siya ng tulong. 

Marami naman ang humanga sa mabuting gawain nito ng flight attendant kaya naman nang iupload ang mga letrato sa social media ay nagviral ang kanyang kwento.

Ayon sa isang comment ng isang netizen: "Real service does not depend on the training and requirements, it is heartfelt feelings."

Iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal mo sa iyong trabaho lalo na kung may pagmamalasakit ka sa iyong mga sineserbisyohan na tao. 



Comments

  1. .. Ure softhearted ma'am i salute to u

    ReplyDelete
  2. I'm so proud of you ma'am..keep up the good work.god bless

    ReplyDelete
  3. Thats what we called PASSION..love your job by heart

    ReplyDelete
  4. I salute you Miss Fan ���� hope that you help more people. You are a blessing. God bless you more Miss Fan ���� Thank you po 🙂

    ReplyDelete
  5. Keep up the good work and deeds
    Salute!

    ReplyDelete
  6. Keep up the good work and deeds
    Salute!

    ReplyDelete

Post a comment

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa