Silipin Ang Napakagandang Harry Potter Themed Suite Na Ito Sa Tagaytay!



Ikaw ba ay isang dakilang Harry Potter fan? Talaga namang kahit ilang taon na ang makalipas matapos ipalabas ang movie series ng Harry Potter ay marami pa ring mga fans ang tumatangkilik dito. Sa katunayan, ito ay naging sikat sa buong mundo kaya naman marami ang nangangarap na makapunta sa magical na Wizarding World.

Dahil marami na rin ang naiinspire dito, kaya naman taun-taon ay makikita ang paggamit ng tema na ito sa mga debuts, birthdays, halloween at Christmas parties. 

Malamang alam niyo na rin na mayroong mga themed parks sa ibang bansa tulad ng sa Osaka, Japan na mayroong Harry Potter theme. At makikita dito ang mga iconic na mga gamit at lugar na makikita sa mga HP movies. 

Ngunit kung ikaw ay wala pang budget para makapunta sa ibang bansa para magkaroon ng Harry Potter experience sa buhay mo, huwag kang mag-alala. Sa katunayan, mayroong isang pinaparentang Airbnb suite sa Tagaytay na talaga namang makakapagbigay sa iyo ng extraordinary Harry Potter experience. 

Ang Harry Potter-inspired na kwarto ay dinesenyo ng Manila-based designers na Madhouse Design Studio, na isang interior design at construction company.

Trinansform nila ang two-bedroom unit na detalyo sa sikat na movie at book series. Makikita ang sa walls ng kwarto ang mga nakadisenyong houses na Gryffindor, Hufflepuff, Ravenclaw, at Slytherin. 
Kapansin-pansin din ang wall sa ilalim ng flat screen tv na tila mayroon isang fireplace kung saan may mukha si Sirius Black na katulad ng sa pelikula. Pinuno rin ang kwarto ng iba't iba pang mga Harry Potter items at memorabilias. 

Mayroon din itong cute na "The Three Broomsticks" dining area at ang nakaka-amaze na kitchen na  may disenyo sa sikat na tren na Hogwarts Express. 


Pagdating naman sa bathroom, ito ay inspired sa bahay ni Ron Weasley, ang matalik na kaibigan ni Harry Potter. 

Ang best part nito, pwede ka nang magbakasyon kahit hindi ka na lumabas sa iyong hotel. Dahil tiyak na ang buong araw mo ay mauubos na sa kakakuha ng mga pictures at selfies. 


Ang suite na ito ay matatagpuan sa Tagaytay Prime Residence at maaari mo na itong marentahan sa halagang P6,500 lamang. Tiyak ito ang makakapagbigay sa mga HP fans ng one-of-a-kind experience sa kanilang buhay!

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!