Tignan ang mga Benepisyong Hatid ng Apple Cider Vinegar sa Ating Katawan




Habang tumatagal ay tila ba umiikli din ang buhay nag tao, kaya naman mahalaga ang mga pagkain o inumin na maaaring makatulong upang mapalakas an gating resistensya at maagapan ang mga sakit. Isa na dito ang Apple Cider Vinegar. Kung tutuusin ay matagal na itong tinitinda sa merkado ngunit mas lalo itong nauso ngayon. 

Mirakulo nga kung ituring ang Apple Cider Vinegar dahil sa dami ng kaya nitong gawin hindi lamang sa loob n gating katawan kundi pa tin a rin sa labas. Mula sa pagtulong sa pagpapapayat hanggang pagreregular ng blood sugar. Medyo may kamahalan nga lang ito kumpara sa ordinaryong suka pero hindi na masama kung titignan ang mga benepisyong hatid nito sa ating kalusugan.

Narito ang ilan sa mga benepisyo sa ating katawan ng Apple Cider Vinegar:



1. Nakakatulong sa pagbabawas ng timbang 

Ang acetic acid na nasa Apple Cider Vinegar ay nakatutulong upang mapabilis ang metabolism ng ating katawan kaya’t nakatutulong ito sa pagbawas ng timbang. Nababawasan din nito ang blood cholesterol sa katawan lalo na kung ito ay madalas na inumin.

2. May kakayahan na makapagpagaling ng sugat

Dahil mayaman sa anti-oxidants ang Apple Cider Vinegar, pinapaayos nito ang sirkulasyon ng dugo at tumutulong upang mas mapabilis ang paggaling nito. Ihalo lamang ang kalahating kutsarita ng asin at kalahating tasa ng apple cider vinegar at initin ito. Gumamit ng bulak at idampi ito sa sa apple cider at ipahid sa sugat.




3. Nakakatulong umayos sa ating digestive system

Dahil binuro ang Apple Cider Vinegar, isa itong probiotic. Ang probiotic ay isang bacteria na kung saan ay naninirahan sa ating digestive system at mas pinapaganda nito ang daloy ng mga pagkain sa ating bituka.

4. Nakakapagpababa ng Blood Sugar Level

Ang pag-inom ng dalawang kutsaritang apple cider vinegar bago matulog ay nakakatulong makapagpababa ng blood sugar level sa ating katawan.

5. Pinipigilan ang pagdami ng bakterya sa ating pagkain

Matagal nang ginagamit ang suka sa paglilinis ng sugat at iba pang impeksyon. Pinipigilan din nito ang pagdami ng mga bacteria sa pagkain kaya’t ang mga pagkain na may suka ay mas matagal mapanis, gaya na lamang ng adobo, paksiw, atsara at iba pa.

Comments

  1. Puede ba mag inom nang apple cider khit may acidic ka

    ReplyDelete

Post a comment

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa