Trinansform Ng Babaeng Ito Ang Kanyang Apartment Sa Isang Napakagandang Barbie Dreamhouse


Isa sa mga kilala at popular na laruan ng mga batang babae ang Barbie dolls. At dahil sa kasikatan nito ay nagkaroon na rin ng iba't ibang mga items na may tatak Barbie tulad ng mga school supplies, bags, shoes, shirts, at marami pang iba.

Isang Japanese nail artist na kinilala bilang si Azusa Sakamoto na nakatira ngayon sa California ay isang babaeng super fan ng Barbie dolls. Dahil sa pagkahilig dito ay naging koleksyon niya ito at maging ang pananamit ng manika ay kanya nitong ginagaya. 


Ayon sa kanya, hindi siya nagkaroon ng sariling Barbie doll noong siya ay bata. At noong 15 taong gulang na siya nang magkaroon siya ng sariling opisyal na Barbie na manika. Magsimula noon ay nagsimula na ang pagkahilig niya dito dahil daw na-attract siya sa napakaganda at matingkad na kulay nito na pink. 

Sino ang mag-aakala na ang batang babae noon na wala namang ganitong laruan ay magkakaroon ng ganito karaming koleksyon ng Barbie. 


Hindi man siya ang may pinakamaraming koleksyon ng Barbie collectibles ay tinupad na man niya ang pangarap niyang gawing isang Barbie dreamhouse ang kanyang apartment sa Los Angeles. 

Siya ngayon ay nagmamay-ari ng 200 koleksyon ng Barbie dolls. At ang dalawa dito ay tumataginting sa presyong $1800 each!

Ayon sa kanya, umabot na sa $80,000 worth ang kanyang nagagastos sa kanyang mga Barbie collection at memorabilia. Maging ang mga furniture pieces sa kanyang bedroom, kitchen, dining room at bathroom ay may tatak na Barbie.

Siya rin ay mayroong mga Barbie shoes, purse, bags, shirts, dresses, pillowcases, cups, plates, at kung ano-ano pang kagamitan na may tatak Barbie. 

Pero kahit gaano pa ang pagmamahal at pagkahilig niya sa manikang ito ay wala naman siyang balak na iparetoke ang kanyang katawan upang maging katulad sa isang Barbie doll. Sa halip, nakikita niya lamang ito bilang isang fashion icon at isang reminder na "you can be whoever you want to be."

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera