Posts

Showing posts from February, 2019

Maglagay Ng Ilang Slice Ng Lemon Sa Tabi Ng Iyong Kama Bago Matulog

Image
Alam niyo na napakaraming benepisyong naibibigay ng lemon. Maaaring ito ay patungkol man sa ating kalusugan, sa pagpapaganda, o ginagamit sa household. Talaga naman na marami pa rin ang natutuklasang gamit ng lemon, at magtataka ka kung bakit dapat na ilagay mo ito sa loob ng iyong kwarto at tabi ng iyong kama o bedside. 
Dapat gawin: 1. Hatiin ang lemon sa tatlo. 2. Ilagay sa isang bowl sa tabi ng iyong kama o sa bedside table. 3. Iwanan lamang ito sa buong gabi habang ikaw ay natutulog 4. Ulitin gabi gabi.
Narito at alamin ang nakaka-amaze na naidudulot nito!
1. Isa itong natural insect repellant
Mayroong mga insect repellants na nabibili na ngayon sa mga botika o grocery stores ngunit tiyak na ang mga ito ay naglalaman ng iba't ibang kemikal na pwedeng maka-iritate sa iyong balat. At kung ang iyong balat ay sensitibo katulad ng sa mga babies, ay dapat mas maging maingat ka. Makakabuti na all-natural ang iyong gamitin.
Ang paglalagay ng hiniwang lemon sa tabi ng iyong higaan ay m…

Ito ang Magandang Pakinabang ng Lagundi sa Katawan Bukod sa Lunas sa Ubo!

Image
Ang Lagundi ay isang tanyag na halamang gamot na tumutubo at ginagamit sa Pilipinas. Noon pa man, gamit na ito bilang lunas sa iba’t ibang mga karamdaman. Sa katunayan, ayon DOH (Department of Health), ang lagundi ay may mga ‘clinically proven medicinal value’. 
Mapapakinabangan ang lagundi dahil naglalaman ito ng maraming mga sustansya na magbibigay ng benepisyo sa ating pangangatawan. Mayroon itong anti-inflammatory, anti-microbial, antihistamine, mga bahaging analgesic, at Chrysoplenol D na nakahihilom ng muscles. Ang mga ito ay makatutulong sa paggamot sa mga sak!t sa katawan.

Narito ang mga pakinabang ng LAGUNDI sa sak!t sa iba’t ibang bahagi ng katawan:

• Para sa ating Respiratory
Ang mga dahon ng lagundi ay naglalaman ng mga anti-inflammatory properties pati na rin ang anti-histamine at expectorant na makakatulong para sa mga sa maayos na sirkulasyon ng paghinga at pagtanggal ng pananak!t ng lalamunan tulad ng ubo at sore throat. Kabilang din dito ang asthma na nabibigyan ng lunas…

Huwag Paupuin ng 'W' Sitting Position ang Inyong mga Anak Dahil Ito ay Masama sa Kanyang Buto!

Image


Ang sarap sa pakiramdam na nakikita mong lumalaki na ang iyong anak. Sa bawat panahon na lumilipas nagkakaroon ito ng iba't ibang development sa kaniyang sarili. Kasama na rito ang matutong magsalita, maglakad at umupo ang bata.
Sa kaniyang paglaki natural lang na maging malikot ang isang bata. Kasabay pa nito ang pagiging maliksi, energetic at tila walang kapaguran. Sa mga panahong ito nagsisimulang maging matibay, malakas, at flexible ang kanilang mga buto. Kaya naman ang mga katangian na ito ang kinaiingitan ng mga matatanda. Ngunit ito rin ang panahon na kinagigiliwan nila sa mga bata. Gayunpaman, sa kabila ng kanilang pagiging maliksi ang posisyon sa kanilang pag-upo ay kailangan ng tamang gabay.  
Napapansin mo ba na madalas na umupo ang iyong anak sa sahig na kung saan ang kanyang mga paa ay naka 'w' na position?

Kung oo ang iyong sagot, ang posisyong ito ay hindi maganda para sa iyong anak. Tinatawag na 'W' sitting position ang ganitong klase ng pag-upo. At an…

5 Nakakamanghang Benepisyo ng Pagkain ng Seaweed

Image
Mula pa man noon, tradisyonal nang ginagamit ang mga seaweeds bilang pagkain sa China, Japan at Korea. Sa pagmigrate ng mga taong ito sa iba’t ibang mga bansa sa buong mundo, naimpluwensyahan rin nila ang mga tao na kumain nito kaya naman ngayon isa na itong popular na bilihin sa merkado at madalas nang isinasama bilang rekado sa mga ulam. Ang paggamit umano nito ay parang pagyakap sa organic at natural na pagkain mula sa malinis na kapaligigiran. 
Ang seaweeds o sea vegetables ay isang anyo ng algae na tumutubo lamang sa dagat. Makikita natin sila minsan na kulay pula na nagiging green na nagiging brown at nagiging black. Ito ay madalas isahog sa mga ulam o pagkain na tulad na lamang ng sushi rolls, sabaw, salad, at smoothies. Pero hindi lamang ito pang kusina lang at hindi naman ito matatawag na organic kung wala itong maitutulong sa ating pangangatawan diba? Kaya naman narito ang ilang benepisyo ng seaweed.




1. Magandang Source ng Vitamins at Minerals Ang seaweed ay may malawak na s…

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!

Image


Ang pagkakaroon ng sapat na ehersisyo ay importante para sa ating mga kalusugan dahil ito ay nakakapagtanggal ng toxins sa ating katawa. Alam niyo ba na ang simpleng pagtaas ng binti ng 20 minuto araw araw ay nakakatulong sa ating kalusugan?

Ang ganitong posisyon pala ay may magandang epekto sa ating katawan kung madalas mo itong gagawin dahil isa itong relaxation technique na ginagawa ng mga nagmemeditate o yoga na nakakatulong sa sirkulasyon ng dugo sa ating binti patungo sa katawan.



Ano-ano nga ba ang mga pagbabago sa katawan kapag ginawa itong 20 minutong ehersisyo? 

1. Matatanggal ang sak!t sa binti pagkatapos magsuot ng heels
Kadalasang nahihirapan at napapagod ang mga kababaihan kapag naka-takong ng mataas dahil mahirap ibalanse ang bigat ng katawan. Kapag katapos ng mahabang araw na pagsusuot ng takong, ugaliing itaas ang binti at mag-relax. Ang pagtaas ng binti ay siguradong makakatulong upang sanayin ang paa sa pag suot ng takong.
2. Makakatulog ng maayos at mahimbing 
Ang pananak…

Limang Rason at Epekto sa Kalusugan Kung Bakit Kailangan mo ng Bakasyon sa Trabaho!

Image


Karamihan sa mga nagtratrabaho ay wala nang oras para sa bakasyon. Lalo na sa mga panahon na sobrang busy sa trabaho at maraming kailangang tapusin. Madalas na hindi malaman kung ano ang uunahing tapusin na gawain upang marelax na ang isip at katawan. 
Kaya naman kailangan para sa mga taong nakakaranas ng stress sa trabaho, pamilya o ano pa mang ga isiping nakakapagpabigat ng nararamdaman ay ang bakasyon. Hindi masamang magpahinga sa oras na nakakaranas ng sobrang pagkapagod. Bagkus, nakakatulong pa ito sa kalusugan ng isip at katawan. Ang pagbabakasyon ay nakapagbibigay ng kasiyahan sa iyo, nakapagpapaginhawa ng kaisipan, at nagpapalakas ng pangangatawan. Bukod pa rito, natutulungang mas mapatibay ang konsentrasyon sa trabaho, dedikasyon, at positibong pananaw. 
Sa mga panahong ito, hindi lamang pangsariling kalusugan ang iyong nabibigyan ng oras at importansiya dahil kasama na rito ang kasiyahang makasama ang pamilya at mabigyan ng oras ang isa't isa. Kung ikaw ang uri ng tao na w…

Kakaibang Toga Na Gawa Sa Bus Tickets Ang Sinuot Ng College Graduate Na Ito

Image
Sinong nagsabi na madali ang buhay ng isang college student? Bukod sa mga deadlines, homeworks, written papers, thesis, etc. ay napakaraming gabi rin ang iyong isasakripisyo matapos mo lang lahat ng mga ito. 
Karamihan sa mga estudyante basta makapagtapos sila ng pag-aaral kahit na walang matatanggap na award ay sapat na sa kanila yun. Ngunit totoo naman ang kasabihan na, "Hardwork pays off" kapag ikaw ay nakapag-graduate na may honors. 
Dahil nais maging memorable ng isang college student na ito ang kanyang graduation picture, imbes na toga ang kanyang isuot ay naisipan niyang ipunin ang lahat ng bus tickets na kanyang nagastos noong siya ay nag-aaral pa lamang. 
Ang 21 taong gulang na si Mark James Capulong ay graduate bilang isang Magna Cum Laude sa Unibersidad ng Sto. Tomas na may Bachelor's Degree sa Economics. Nasungkit niya ang third rank sa kanilang graduating class matapos ang apat na taon na pagcocommute sa pagpasok at pag-uwi.
Sa pagtityaga niya sa loob ng ap…

Kahanga-hanga Ang Lakas Ng Loob Ng Estudyanteng Ito Na Magbukas Ng Isang 'Honesty Store' Habang Siya Ay Nag-aaral

Image
Sa panahon ngayon, sa dami ng mga manloloko sa lipunan ay hindi na talaga madaling magtiwala. Ngunit kung gipit ka na talaga at wala ka ng choice, wala ka na talaga sigurong magagawa kung hindi magdasal na lang at magtiwala sa kapwa. 
Pamilya ka ba sa sikat na kasabihan na, "God knows Judas not pay?" Malamang madalas na nakikita ito na nakapintura o nakasabit sa mga pampasaherong jeep, bus, o mga tricycle. Ang punto ng kasabihang ito ay maging tapat sa iyong kapwa, dahil kahit na hindi ka man nila nakikita, ang nasa itaas ay nakikita niya kung ano ang iyong ginagawa. 
Isang estudyante ng University of Southeastern Philippines (USEP) sa Davao City, Davao De Sur si Joenel Malanog na nakilala dahil nagbukas ito ng kanyang sariling negosyo na tinawag niyang 'honesty store.'
Kinailangan niyang gawin ito dahil kailangan niyang kumita ng pera habang siya ay nag-aaral. Nagbukas siya ng isang maliit na tindahan sa loob ng kanilang eskwela. Ang nakakamangha pa dito ay ang kan…

Tinulungan Ng Mabait Na Guro Ang Isang Estudyanteng Nagsusuot Ng Napakalaking Uniporme Sa Eskwela

Image
Ang mga guro ay ating itinuturing na pangalawang magulang. Hindi lamang sila nagsisilbing tagapagturo ng mga leksyon kundi ipinapakita rin nila ang kanilang pagmamahal at pagmamalasakit sa kanilang mga estudyante.
Pinahanga ng gurong ito ang mga netizens dahil sa kabutihang loob na ipinakita niya sa isang estudyanteng nangangailangan ng tulong.
Sa hirap ng buhay ngayon, maraming bata ang hindi nagbibigyan ng pagkakataong makapag-aral. Ang iba naman, kahit na sila ay nakakapasok sa eskwela ay wala naman silang pambili ng mga bagong gamit at uniporme.
Dahil dito, ang nangyayari ay naghihiraman na lamang ng uniporme ang magkakapatid o di kaya ay ipinapasa sa mga mas nakakababatang kapatid ang mga pinaggamitang damit. 
Nakita ng guro na ito na si Mohd Nasir Mohd Zain na taga Malaysia ang isang Grade 3 student na tila hirap ang isang batang estudyante papasok sa eskwela dahil sa pagkalaki-laking suot ng uniporme at mga sapatos.
Napag-alaman niya na ang suot suot na uniform ng bata ay mula…

Limang Benepisyo ng Paghiga sa Sahig at Kung Bakit Ito Maganda Para sa mga Buto

Image


Ang pagtulog ay isang natural na pamamaraan upang mapaginhawa ang ating pakiramdam. Marami itong maidudulot na maganda sa ating kalusugan. Sa paraan na ito natutulungan na maging malusog ang ating puso, kaisipan, pangangatawan at iba pang mga benepisyong hatid nito.
Higit pa rito, ang pagtulog sa sahig ay isang napakagandang gawain upang mas mapahusay at mapabilis ang proseso ng paggaling sa karamdaman. Kaya naman, ihahatid sa inyo ng artikulong ito ang benepisyong makukuha mula sa paghiga sa sahig at kung ano ang magandang maidudulot nito sa ating pangangatawan. 
Isang pangkaraniwang gawain na ng mga hapon, korean, at chinese ang paghiga sa sahig. Maaari itong subukan kung sa palagay mo hindi ka makatulog ng maayos. At sa unang subok na gawin ito, madaling mararamdaman ang resulta na makapagbibigay ng kaginhawan sa pakiramdam. Kung saan makakatulog na ng mabuti ang taong gagawa ng gawaing ito. 
Ito ang mga benepisyong maidudulot ng pagtulog sa sahig para sa ating katawan ay ang mga sumu…

Pitong Maaaring Sanhi ng Hirap sa Pagdumi o Pagiging Constipated

Image


Ang problema sa pagdudumi ay kadalasan nating nararanasan lalo na kung tayo ay dehydrated. Minsan ang pagdiyeta at hindi wastong pag-ehersisyo ang sinisisi sa mga masasamang umaga natin. Ngunit mayroon pang mas maraming salarin maliban sa pagkain at hindi wastong pag-ehersisyo ang nagiging dahilan ng hindi pagkadumi (constipation). 
Itong mga nakakabiglang mga dahilan ay pinaniniwalaang mas nakakapinsala sa atin kaysa sa mga halatang dahilan dahil madalas sila ay hindi napapansin at hindi nagagamot ng panandalian lamang. 
Ito pala ang posibleng sanhi ng pagiging constipated o hirap sa pagdumi:


1. Hypothyroidism
Ang thyroid ay may papel na ginagampanan sa pagkontrol sa metabolismo, kaya kapag ito ay hindi gumagana ng maayos, nagsisimula ka nang gumugol sa banyo. Sa kabutihang palad, may isang simpleng pagsusuri sa dugo na maaring magpatingin sa kondisyon at makatulong sa iyo na makakuha ng tumpak na gamot. Isa ang Hypothyroidism sa mga dahilan kung bakit hirap sa pagdumi ang isang tao.



2. D…

Ex-Child Star Na Si Serena Dalrymple Isa Ng Propesyonal Sa Amerika!

Image
Naalala niyo pa ba ang makulit na bata sa nausong commercial na "Isa pa, Isa pang chickenjoy"? Ito ay ang dating child star na si Serena Dalrymple na nakilala rin sa iba't ibang pelikula tulad ng "Tong Tatlong Tatay Kong Pakitong-kitong," "Wansapanatym: The Movie," "Daddy O! Baby O!," at "Ang Tanging Ina."
Ipinanganak si Serena sa taong 1990 at nagsimula ang kanyang showbiz career noong taong 1997. Nadiskubre ang batang artista dahil sa kanyang galing sa pag-arte at hanggang nagkaroon siya ng mga minor roles sa telebisyon at hanggang magkaroon ng mga major roles kasama ang mga batikang artista na sina Dolphy, Redford White, Babalu, Angelica Panganiban at Ai-Ai Delas Alas. 
Ngunit matapos ang kanyang last movie na "Ang Tanging Ina" ay umalis na ito sa showbiz noong taong 2004. 
Ipinagpatuloy ng ex-child star ang kanyang pag-aaral, at taong 2010 nang siya ay nakapagtapos ng kolehiyo sa De La Salle College of Saint Benilde …