4 Na Gawain Na Nakakasira Sa Iyong Pandinig o Hearing

Ang pandinig ay importante sa ating pang araw-araw na gawain. Dito malaya tayong nakakapag-communicate, nakakapag-socialize, at nakakapag-trabaho. Sa madaling salita, ito ang nasisilbing tulay upang maging konektado tayo sa ating paligid at nakakatulong upang tayo ay maging ligtas sa anu mang kapahamakan.

Maswerte ka kung wala kang problema sa pandinig kaya marapat na ito ay iyong ingatan. Ito lamang ang iyong tatandaan, kapag ang iyong pandinig ay nawala, mahirap na itong maibalik. Narito ang mga gawain na maaaring makasira at makakaapekto sa iyong pandinig.

1. Malakas na pagsinga ng ilong

Ang malakas na pagsinga ng ilong ay maaaring makapagdulot ng damage sa iyong pandinig. Sa tuwing ikaw ay may sipon, dapat ay dahan dahan lamang ang pagsinga dahil kung ginawa ito ng malakas, ang biglaang pagbabago ng pressure sa iyong eardrum ay maaaring magdulot ng pagsak!t nito. At ang malala pa ay posible itong mabasag at magdulot ng temporary o permanenteng pagkabingi.
2. Hindi nagpapatingin sa doktor

Ang pagkakaroon ng regular na check-up ay kailangan. Alam niyo ba na kapag ang bakterya sa inyong bibig ay tumagal, maaari itong pumasok sa daluyan ng dugo ay makapagdulot ng pagbara ng iyong mga ugat. Gayundin, ang bakterya sa bibig ay nakakapagdulot ng implamasyon ng mga ugat sa iyong tenga na pwedeng magresulta sa kakulangan ng nutrisyon at oxygen sa inyong cochlea.

3. Exposure sa malalakas na tunog

Ang labis na pagkaka-expose sa mga malalakas na tunog ay nakakabingi. Importante na umiwas sa mga malalakas na sounds kung ayaw mong mawalan ng pandinig. Ang paglalagay ng mga earmuffs or earplugs ay kinakailangan kapag ang iyong trabaho ay expose sa mga loud noises. 

Importante rin na i-limit rin ang oras sa pakikinig ng mga malalakas na music sa iyong earphones o headphones. Maaari itong gamitin, ngunit hinaan lamang kung ayaw mong masira ang iyong tenga.

4. Pagkakaroon ng sedentary lifestyle

Ang sedentary lifestyle ay ang pagkakaroon ng malimit na paggalaw, walang ehersisyo, at hindi nagkakaroon ng tamang diyeta sa kanilang araw-araw ng buhay. Ang uri ng pamumuhay na ito ay mapanganib sa kalusugan dahil maaari itong mauwi sa pagkakaroon ng dyabetis. 

Ayon sa mga eksperto, ang dyabetis ay nakakapagdulot ng hearing loss dahil ang mataas na lebel ng sugar sa iyong dug0 sa matagal na panahon ay nakakasira ng mga nerves kasama na rito ang mga nerves sa iyong tenga.


Comments

Popular posts from this blog

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Dating Beauty Queen na si Dayanara Torres, Lumalaban Ngayon Sa Isang Malubhang Karamdaman

Isang Bata ang Sumakabilang Buhay Matapos Kumain ng Kangkong Dahil Mayroon Itong Linta

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Ito Pala ang Dahilan Kung Ano ang Nangyari sa Mata ng Aktor na si Randy Santiago