5 Rason Kung Bakit Ang Mga Prinosesong Pagkain Ay Masama Sa Kalusugan


Napakarami ng pagkain ngayon na readily available na mabibili at makakain. At hindi ibig sabihin na kung ano ang masarap at nakakabusog ay masustansya. Sa katunayan, karamihan sa mga malasa at masasarap na pagkain ay unhealthy. Isa na rito ang mga prinosesong pagkain tulad ng instant noodles, hotdogs, ham, chitchirya, at mga 'just heat' na pagkain.

Ano nga ba ang mga prinosesong pagkain? 

Ito ay ang mga uri ng pagkain na dumaan sa napakaraming series ng mekanikal at kemikal na operasyon upang mabago o mapreserba ang lasa nito. 

Narito ang 5 rason kung bakit ang mga ganitong klaseng pagkain ay masama sa kalusugan.

1. Naglalaman ang mga ito ng napakaraming amount ng asukal

Tulad ng mga softdrinks, magtataka kung paano nagagawa ang mga ito. Ang mga ganitong klaseng inumin ay sumailalim ng napakaraming proseso bago mabuo at matapos. At ang mga inuming ito ay puno na ng artipisyal na pampalasa at asukal upang magkaroon ng kakaibang lasa.

2. Mababa sa fiber

Ang fiber ay kailangan ng katawan upang mapabilis ang digestion at upang hindi mahirapang mailabas ang dumi. Sa kabuuan, ang mga prinosesong pagkain ay walang tinataglay na fiber na may negatibong epekto pa sa katawan. Unang-una, ang mga taong nagkokonsumo ng fiber sa kinakain tulad ng mga gulay at prutas ay mayroong mas malusog na body mass indexes o BMI kumpara sa mga kumakain madalas ng mga prinosesong pagkain. 

3. Mataas sa sodium, trans fats at oil

Ang mga pagkaing tulad ng chitchirya, bacon, at hotdogs ay nagtataglay ng mga 'unhealthy fats' na hindi maganda sa katawan at nauugnay ito sa pagkakaroon ng sak!t sa puso. Mataas din ang sodium content ng mga ito na nauunay rin sa pagkakaroon ng mataas na presyon at diyabetis.

4. Dinisenyong maging malasa upang ikaw ay maparami ang kain

Sinadya talaga na maging malasa ang mga prinosesong pagkain upang mas maparami ang kain mo nito. Masarap at malasa ang mga ito kaya naman mare-register sa utak mo na gusto mo pa ulit itong kainin. At isa lang naman ang kababagsakan kapag ikaw ay nag-overeat, ito ay ang pagtaba. 

5. Nagtataglay ng napakaraming artipisyal na ingredients

Kung ikaw ay titingin sa label ng iyong paboritong chitchirya, makikita na napakarami ng mga ingredients na nakasulat dito at maaaring ilan o karamihan sa mga ito ay hindi mo na naiintindihan. Habang dumarami ang nakasulat na ingredients ay nagiging ganoon na hindi na ito healthy kainin dahil sa mga iba't ibang sangkap na pinaglalagay na rito.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay