6 Epektibong Remedyo Para Sa Acidity Na Matatagpuan Sa Inyong Bahay


Ang acidity o kilala rin bilang acid reflux ay isang karaniwang kondisyon na nararamdaman ng karamihan. Ang sintomas nito ay heartburn o parang umaapoy na pakiramdam sa dibdib na mararamdaman sa may ibabang bahagi ng iyong dibdib. Ito ay dulot ng pagtaas o pagbalik ng stomach acid patungo sa iyong food pipe. 

Kakaunti lamang ang nakakaalam na dahil sa poor lifestyle at unhealthy eating habits ang nagdudulot ng ganitong kondisyon. Kaya upang guminhawa ang pakiramdam na dulot ng acidity, narito ang mga epektibong remedyo na makikita mo lang rin sa inyong bahay. 

1. Saging

Ang saging ay isang paboritong pagkain lalo na ng mga Pinoy. Ito ay may kakayahang i-neutralize ang acid sa tiyan at makapagbibigay ng ginhawa. Sa katunayan, ito ay isang mabisang antidote para sa acidity dahil taglay nitong potassium. Maaaring kumain araw-araw ng saging upang maiwasan ang pagkaranas ng acidity.
2. Basil leaves

Ang dahon ng basil ay mayroong soothing effect na makakapagbigay ng instant relief sa acidity. Sa unang senyales pa lang, ay magkonsumo na agad ng pinakuluang basil leaves. Gawin itong paraang tsaa at inumin bago pa lumalala ang acidity.

3. Sabaw ng buko o coconut water

Napakarami talagang nakakamanghang epekto ang pag-inom ng sabaw ng buko dahil sa taglay nitong natural nutrisyon at bitamina. Sa tuwing umiinom ka ng sabaw ng buko, ang body's pH acidic level ay nagiging alkaline. Nakakatulong din itong mag-produce ng mucous sa iyong tiyan para maprotektahan ang loob nito sa mga delikadong epekto ng sobrang acid production. 

4. Luya

Ito ay isang natural na remedyo para sa acidity. Maaaring maglagay ng luya sa inyong mga kinakain o kaya ay maaari ring gumawa ng salabat na gawa sa luya sa tuwing makakaranas ng acid reflux.

5. Malamig na gatas

Ang gatas ay nakakatulong upang gawing stable ang mga gastric acid sa tiyan. Mayaman ito sa calcium na nakakatulong makaiwas sa acid build- up sa tiyan. Uminom lamang ng isang basong malamig na gatas kapag nakakaranas ka ng acidity. 

6. Tubig

Ang regular na pag-inom ng dalawang basong tubig pagkagising sa umaga ay nakakatulong upang ma-maintain ang normal level ng acid sa iyong tiyan. 

Comments

Popular posts from this blog

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Dating Beauty Queen na si Dayanara Torres, Lumalaban Ngayon Sa Isang Malubhang Karamdaman

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Ito Pala ang Dahilan Kung Ano ang Nangyari sa Mata ng Aktor na si Randy Santiago

Lalaki, Tinupad Ang Dream House Ng Kanyang Ama Na Matagal Ng Pinapangarap