7 Healthy Reasons Kung Bakit Dapat Kang Kumain Ng Bayabas



Ang puno ng bayabas ay kadalasang nakikita sa mga bakuran at bakanteng lote. Ang bunga nito ang madalas sungkitin ng mga bata at ginagawang pagkaing libangan. 

Ang dahon ng bayabas ay kilalang ginagamit dahil sa medicinal effects nito. Ang bunga naman nito kung hindi kinakain ay ipinagsasahog sa mga lutuin o di kaya ay ginagawang jam na palaman sa tinapay. Narito ang mga healthy reasons kung bakit dapat mong kumain ng bunga nito!

1. Pangiwas sa konstipasyon

Ang bayabas ay mayaman sa dietary fiber. Ang buto nito ay nakakatulong sa pagpapalabas ng dumi. Ang isang bayabas ay nakakapagbuo na ng 12% ng iyong daily recommended intake ng fiber na maganda para sa iyong digestive health upang maiwasan ang konstipasyon.

2. Nakakatulong magpababa ng presyon

Ang high fiber content at hypoglycemic nature ng bayabas ay nakakatulong sa pagpapababa ng blood pressure. Nakakatulong ding itong bawasan ang kolesterol at maiwasan ang pagkapal nito na siyang maaaring pagmulan ng high blood pressure.

3. Pang-iwas sa dyabetis

Ang mataas na lebel ng dietary fiber ng bayabas ay nakakatulong sa regular na absorpsyon ng sugar sa katawan. Sa pagkakataong ito, bumababa ang tiyansa sa biglang pagbaba at pagtaas ng glucose at insulin sa katawan. Ayon sa mga pagsasaliksik, ang pagkain ng bayabas ay nakakatulong upang maiwasan ang type 2 diabetes.



4. Iniimprove ang kalusugan ng puso

Ayon sa mga pag-aaral, nakakatulong ang pagkain ng bayabas sa pagbalanse ng sodium at potassium sa katawan kaya mabisa ito upang maregulate ang presyon sa mga taong may hypertension. Ito rin ay nakakapagpababa ng mga masasamang kolesterol na nakakapagdulot ng mga komplikasyon sa puso.

5. Nagpapalakas ng immunity

Ang bayabas ay mayaman sa nutrisyon at bitamina na nakakatulong upang magpalakas ng immunity. Kadalasan, ang mga bayabas na nakatanim sa mga bakanteng lote ay walang halong mga pest!cides kaya ang mga ito ay organic na mas maganda para sa kalusugan.

6. Pang-iwas sa pagkakaroon ng scurvy

Ang scurvy ay isang kondisyon na dulot ng kakulangan ng vitamin C o ascorbic acid. Ito ay nagdudulot ng panghihina, pagbabago sa buhok, pamamaga ng mga kamay at paa, at pagdurug0 ng gilagid. Samantala, ang bayabas ay may taglay na 5 times more na vitamin C kumpara sa mga oranges na makakatulong para maiwasan ang ganitong klaseng kondisyon. 

7. Pampapayat

Ang bayabas ay mayaman sa protina, fiber at vitamins na magandang kainin ng mga nais magpapayat. Kumpara sa mga ubas, mansanas at oranges mas kakaunti lamang ang taglay nitong natural sugar. 

Comments

Popular posts from this blog

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Dating Beauty Queen na si Dayanara Torres, Lumalaban Ngayon Sa Isang Malubhang Karamdaman

Isang Bata ang Sumakabilang Buhay Matapos Kumain ng Kangkong Dahil Mayroon Itong Linta

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Ito Pala ang Dahilan Kung Ano ang Nangyari sa Mata ng Aktor na si Randy Santiago