Ex-Child Star Na Si Serena Dalrymple Isa Ng Propesyonal Sa Amerika!



Naalala niyo pa ba ang makulit na bata sa nausong commercial na "Isa pa, Isa pang chickenjoy"? Ito ay ang dating child star na si Serena Dalrymple na nakilala rin sa iba't ibang pelikula tulad ng "Tong Tatlong Tatay Kong Pakitong-kitong," "Wansapanatym: The Movie," "Daddy O! Baby O!," at "Ang Tanging Ina."

Ipinanganak si Serena sa taong 1990 at nagsimula ang kanyang showbiz career noong taong 1997. Nadiskubre ang batang artista dahil sa kanyang galing sa pag-arte at hanggang nagkaroon siya ng mga minor roles sa telebisyon at hanggang magkaroon ng mga major roles kasama ang mga batikang artista na sina Dolphy, Redford White, Babalu, Angelica Panganiban at Ai-Ai Delas Alas. 

Ngunit matapos ang kanyang last movie na "Ang Tanging Ina" ay umalis na ito sa showbiz noong taong 2004. 

Ipinagpatuloy ng ex-child star ang kanyang pag-aaral, at taong 2010 nang siya ay nakapagtapos ng kolehiyo sa De La Salle College of Saint Benilde sa Maynila sa kursong Business Administration.

Hindi na rin siya bumalik sa showbiz at lumipad na lamang patungo sa ibang bansa dahil kung hindi ay hindi niya makukuha ang pension sa US embassy na mula sa kanyang ama na isang dating military officer. 

Inakala ng iba na hindi praktikal ang pag-alis niya sa showbiz dahil isa siyang magaling na batang artista, ngunit napatunayan ni Serena na naging tama ang kanyang naging desisyon.

Tatlong taon ang makalipas ng napagdesisyunan nito na kumuha ng graduate studies sa London. Si Serena ay nakapag-graduate noong 2014 na may International Business degree sa Hult International Business School.

Nakapagtrabaho siya sa Paramount Pictures sa Los Angeles, California bilang isang sourcing analyst. At ngayon, ang sikat na dating child star ay isa ng successful na corporate professional sa New York. Si Serena ay isa nang manager sa Viacom, isa sa mga leading global entertainment company sa New York.


Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera