Girls, Huwag Pakasalan ang lalaking may ganitong mga habit
Lahat ng kababaihan ay may pinapangarap na Mr. Right. Mga katangian ng isang lalaki na hinahanap-hanap. Kahit sino man ay naghahangad na tama ang lalaking mapipili na mapakasalan.
Kaya naman ang artikulong ito ay magbibigay sa iyo ng tips sa pagpili sa lalaking iyong makakasama sa habang buhay. At tandaan na, ang pag-aasawa ay isang desisyon na dapat pinagiisipan ng mabuti. Ika nga sa kasabihan "Ang pag-aasawa ay hindi katulad ng isang mainit na kanin, Na kapag isinubo mo ay pupuwede mong iluwa".

Ito ang pitong habit ng lalaki na dapat huwag mong pakasalan:
1.Narrow-mindedness
Napaka-importante ang open-minded sa isang relasyon, lalo sa mag-asawa. Dahil mahirap kumilos sa isang relasyon na kahit tama ang iyong ginagawa ay nagiging kalabasan sa iyong partner ay mali. Ito rin ay pinagmumulan ng pag-aaway. At kawalan ng pagtitiwala.
2.Keeps the fight alive
Walang perpektong relasyon. Dahil lahat ng relasyon ay dumadaan sa mga pagsubok at pag-aaway na siyang nagpapatatag. Ngunit kung wala nang katapusan ang pag-aaway ay masama na ito. Ang opinion ng bawat isa na nasa relasyon ay importante. Kaya respetuhin ang pagkakaiba ng isa't isa. Pero kapag ang iyong karelasyon ay pinanatili o mas pinapapalala ang pag-aaway ay mainam na hiwalayan na lamang. Hindi ito tamang lalaki para sa iyo.
3.Liar
Ang pagsisinungaling ay hindi nakakaganda ng relasyon. Ito ang madalas na pagmulan ng pag-aaway na siyang sisira sa inyong samahan. Kahit sino man ay ayaw na mapagsinungalingan. Hindi rin ganitong klase na lalaki ang dapat na pakasalan.
4.Abusive
Walang pang-aabuso sa relasyon pisikal man ito o mentalidad. Kung ang iyong karelasyon ngayon ay hindi marunong pigilan ang kaniyang galit at nasasaktan ka niya. Huwag ka nang mag dalawang isip pa na hiwalayan siya dahil hindi ito karapatdapat na pakasalan. Kung sa tingin mong mapagbabago mo ito sa oras na nag-asawa na kayo, isa itong napakalaking maling desisyon sa iyong buhay.
5.Smoker
Bisyo, yan ang unang pinag-aawayan ng magkarelasyon. Ang paninigarilyo ay napakahirap tanggalin. ngunit kung tama ang lalaking napili mo ay gagawin niya ang iyong gusto. Gagawin ang lahat para lang matanggal ang iyong request. Pero kapag binalewala lamang niya ang iyong sinasabi mag-isip ka na, hindi ito ang lalaking dapat na pakasalan.
6.Family Disoriented
Paano mo papakasalan ang lalaking ayaw sa kaniyang pamilya? Kahit may mga panahon na nakakainis ang ating mga magulang hindi ito rason para talikuran sila. Ang mga ganitong lalaki ay hindi nararapat na pakasalan.

7.Break Promises
Madalas bang mangako ang iyong karelasyon? Ngunit sa kaniyang mga pangako ay wala namang natutupad. Sa hindi pagtupad sa kaniyang pangako ay hindi rin nawawalan mga rason. Huwag nang magdalawang isip pa na hiwalayan ito. Dahil hindi na nalalayong niloloko ka na ng iyong karelasyon.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera