Ito ang Limang Benepisyo ng Pagkain ng Chesa na Dapat Ninyong Malaman!






Ito ay isang uri ng prutas na hindi madalas makita sa hapag-kainan tulad ng mga karaniwan nating kinakain at nakikita na prutas. Ngunit alam mo ba na ito ay mayaman sa bitamina, hibla at antioxidants na kinakailangan ng ating katawan upang mapanatiling malusog at malakas. Tama ang inyong nabasa, hindi man ito gustong kainin ng iba pero higit na naglalaman ito ng mga benepisyo. 

Chesa, Tiesa o Canistel ang tawag sa prutas na ito. Nagtataglay ito ng kulay orange-yellow sa kaniyang balat at laman. Ang kaniyang lasa ay maihahalintulad sa isang mashed sweet potato ngunit hindi ito kasing linamnam ng ibang prutas. Gayunpaman, napakasarap itong idagdag o ipares sa gatas. Bukod sa matamis na lasa nito, lubos na nagtataglay ito ng mga katangian na makabubuti sa ating pangangatawan.

Narito ang limang benepisyong maihahatid sa atin ng prutas na Chesa:

1. For Good Eyes

Katulad ng mga kulay orange na prutas, ang chesa ay nagtataglay rin ng mataas na lebel ng beta carotene na kung saan alam nating ito ang kinakailangan ng ating mga mata upang mapanatili itong malusog. Sa pagkain nito maaaring maiwasan ang sanhi ng sakit na katarata o ano mang mga uri ng sak!t na nagtatali sa mata.

2. Promotes Healthy Bone

Ayon sa mga mananaliksik isa itong matalinong paraan na mapagkukunan ng minerals. Na kung saan ito ay naglalaman ng calcuim, iron at phosphorus. Ang mga ito ang siyang tumutulong upang maging malakas ang ating mga buto, gumanda ang produksyon ng red blood cells at maayos ang development ng buto sa ating katawan.


3. Anemia

Alam mo ba na sagot ang chesa para sa mga taong may anemia. Dahil kung ikaw ang taong walang sapat na iron ay mainam na maghanap ng mga pagkaing prutas na mayaman sa minerals tulad ng chesa. Ito ay makatutulong para mapadali ang daloy ng oxygen sa ating katawan. Kaya naman masasaayos ang tamang sirkulasyon ng ating dugo. Ang Iron ay isang mahalagang parte upang maging matalas, matibay at malakas ang memorya. Napapalakas rin ang lebel ng ating enerhiya.


4. Great Digestion

Isa rin sa nilalaman ng chesa ay ang Fiber. At ang mga prutas na mayaman sa hibla ay lubos na tumutulong sa ating panunaw. Kaya naman ang pagkain sa prutas na ito ay matutulungan ang sistema ng ating panunaw na mailabas ang mga dumi sa ating katawan, mailalayo sa constipasyon, at maging normal ang ating pagdumi.

5. Healthy Heart

Ilang araw mo na bang pinoproblema ang iyong blood pressure at nagdudusa sa mga sintomas nito? Importante ang pagkain ng Chesa dahil ito ay maghahatid sa magandang regulasyon ng dugo na siyang naghahatid ng pagnormal ng pressure sa ating dugo. Hindi lamang iyon, idagdag pa ang pagganda ng paggana at paglusog ng ating puso. Kaya kumain na para maiwasan ang ano pa mang mga komplikasyon na maaaring matamo sa pagtaas ng inyong blood pressure. 


Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera