Kahanga-hanga Ang Lakas Ng Loob Ng Estudyanteng Ito Na Magbukas Ng Isang 'Honesty Store' Habang Siya Ay Nag-aaral



Sa panahon ngayon, sa dami ng mga manloloko sa lipunan ay hindi na talaga madaling magtiwala. Ngunit kung gipit ka na talaga at wala ka ng choice, wala ka na talaga sigurong magagawa kung hindi magdasal na lang at magtiwala sa kapwa. 

Pamilya ka ba sa sikat na kasabihan na, "God knows Judas not pay?" Malamang madalas na nakikita ito na nakapintura o nakasabit sa mga pampasaherong jeep, bus, o mga tricycle. Ang punto ng kasabihang ito ay maging tapat sa iyong kapwa, dahil kahit na hindi ka man nila nakikita, ang nasa itaas ay nakikita niya kung ano ang iyong ginagawa. 

Isang estudyante ng University of Southeastern Philippines (USEP) sa Davao City, Davao De Sur si Joenel Malanog na nakilala dahil nagbukas ito ng kanyang sariling negosyo na tinawag niyang 'honesty store.'

Kinailangan niyang gawin ito dahil kailangan niyang kumita ng pera habang siya ay nag-aaral. Nagbukas siya ng isang maliit na tindahan sa loob ng kanilang eskwela. Ang nakakamangha pa dito ay ang kanyang 'honesty store' ay iniiwan lamang niya na walang nagbabantay. 

Kung iisipin ay napakadaling dayain ng iba ang kanyang mga paninda. Ngunit konsensya na lang talaga ang babagabag sa iyo kung hindi ka nagbayad sa iyong mga kinuha sa kanyang paninda. 

Dati naman talaga ay umiikot sa school campus si Joenel upang ilako ang kanyang mga panindang mga donut, lumpia, ice candy, at barbecue. Ngunit nang magkaroon ito ng hectic na schedule sa kanyang mga klase ay naging mahirap na niyang pagsabayin ang kanyang pagtitinda at pag-aaral. 

Bilang isang freshman sa kanyang kursong entrepreneurship, alam ni Joenel na kailangan niyang tulungan ang kanyang mga magulang upang kumita ng pera para na rin sa kanyang edukasyon. 

Ngunit dahil ayaw niyang mapabayaan ang kanyang pag-aaral, nagkaroon siya ng isang creative idea na buksan ang kanyang business at ipagkatiwala sa kanyang mga kapwa estudyante ang kanyang mga paninda.

Makikita na nakaayos ang kanyang mga paninda at mayroong nakalagay na mga signboards kung ano-ano ang kanyang mga tinitinda at kung magkano ang presyo ng mga ito. Sa tabi ay nakalagay ang isang box kung saan ihuhulog ng mga bumibili ang kanilang bayad at bahala na rin sila sa pagsusukli sa kanilang sarili. 

Marami rin naman ang bumibili sa kanyang mga paninda, at tila talagang lakas na lang ng loob at malaking pagtitiwala sa kapwa ang inaasahan ni Joenel upang kumita ng pera.

Comments

Post a comment

Popular posts from this blog

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay