Kape o Tsaa? Ano nga ba ang Mabuti at Mas Madaming Benepisyo sa ating Katawan at Kalusugan?







Marami sa atin ang may ugaling pagkagising sa umaga ay kumukuha na ng tasa at tsaka bubuhusan ng mainit na tubig at ihahalo ang kape o kaya naman ay tsaa. Minsan rin parehong ginagawa ang kape at tsaa kung mas@kit man ang ulo, pagod o gusto lang gawing motivation ito. Pero alam mo ba kung ano ang pinagkaiba ng dalawa? O kung ano nga bang mas may benepisyo pagdating sa kalusugan at ano ang hindi?

Alamin muna natin ang katangian na taglay ng dalawa. Noong sinaunang panahon sa China, may isang emperor na nagpapakulo ng tubig at may dahon na nalaglag mismo sa kanyang pinagpapakuluan at nang kanyang tikman, masarap umano ito at doon nagsimulang ginamit at sumikat ang tsaa sa mga tao. Ang tea ay ang pangalawa sa pinakaginagamit o iniinom sa buong mundo dahil ang una ay ang tubig. Pinaniniwalaan rin nila na kung iinom ka ng isang basong tsaa maaari kang makaramdam ng ginhawa, peace of mind at spirituality, at magandang kalusugan. Habang ang kape naman ay nagsimula dahil may isang lalaking naging aktibo lalo sa kanyang ginagawa dahil nakatikim daw ito ng berries mula sa puno.





Pareho silang masarap para sa mga nagkakagusto rito at pareho rin silang may benepisyo. Madalas nating nakakaligtaan ang mga benepisyo ng isa't isa dahil inuuna natin kung ano ang mas masarap at mas nakakaginhawa para sa atin pero alam mo ba na ang kape ay may kakayahang mabawasan ang pagkakaroon ng dem3ntia, alzhe!mer's at type 2 di@b3tes. At kaya rin nitong paginhawain ang pakiramdam ng isang taong may asthma pati na rin migraine dahil sa mataas ang level ng stimulants nito.




Sa kabilang banda, ang tea ay nakakatulong na makaiwas sa s4k1t na c@nc3r. Ayon sa isang pag-aaral, ang tea ay naglalaman ng mga antioxidant na lumalaban sa c4nc3r. Ito rin ay isang therapeutic or medical na inumin dahil labis nitong napapaginhawa ang pakiramdam ng isang tao. Prinoprotektahan rin nito ang mga cells sa kung anumang DNA damage.

Wala pang nakakaprove na kung nasobrahan sa kape ay babawian ng buhay pero wala rin naman nagsasabing hahaba ang buhay kung iinom ng kape kaya para maging safe, uminom ng kape pero hindi dapat sobra. Kaya naman siguraduhin nalang na tama lang ang dami ng iyong naiinom na kape man o tsaa yan. Dapat may control ka pa rin sa pag-inom dahil kahit paborito mo ito dahan dahan lang dapat dahil ang sobra ay hindi maganda.


Comments

Popular posts from this blog

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Dating Beauty Queen na si Dayanara Torres, Lumalaban Ngayon Sa Isang Malubhang Karamdaman

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Ito Pala ang Dahilan Kung Ano ang Nangyari sa Mata ng Aktor na si Randy Santiago

Lalaki, Tinupad Ang Dream House Ng Kanyang Ama Na Matagal Ng Pinapangarap