Nasorpresa Ang Mga Tao Sa Naglalakihang Mga Tilapia Na Nahuli Sa Pasig River Matapos Ang Rehabilitasyon Nito


Kung matatandaan, ang Pasig River ang isa sa mga pinaka-polluted na ilog dito sa ating bansa. Makikita ang mga palutang-lutang na basura, maruming tubig, at mabahong amoy nito. Sa maikling salita, ang ilog na ito ay wala ng buhay. 

Matapos sumikat ang kantang "Anak Ng Pasig" na naging song of the year pa noon ay naglunsad ang dating First Lady na si Ming Ramos ng fundraiser na "Piso Para Sa Pasig." Ito ang naging daan upang makaroon ng aksyon sa pagbabalik ng buhay sa maruming ilog.
Nagsimula ang Pasig River Rehabilitation Commission o PRRC noong taong 1999. Dito ay inumpisahan nila ang  dredging at paglilinis ng ilog. Maging ang mga iskwater na naninirahan sa tabi ng ilog ay inilikas sa ibang lugar.

Taong 2007 nang makita ang improvement ng isinagawang proyekto sa pagbabalik ng kalinisan dito sa Pasig River. Ngunit marami pa rin ang dapat nilang linisin upang maibalik ang buhay ng mga isdang dating naninirahan dito.
Nitong nakaraang taon ay ibinalita sa media ang naging rehabilitasyon ng ilog at naisali sa first Asia RiverPrize Awards.

Naging viral din ang isang video ng isang netizen na nakitang nangingisda sa ilog Pasig nitong nakaraang linggo. At ngayon, marami ang mga taong nagdala ng kanilang mga fishing rods at sumali sa pangingisda sa ilog.
Makikita na mayroong isdang mga nahuli tulad ng mga tilapia na ubod ng laki. 

Natuwa naman ang mga taga PRRC dahil senyales ito na bumalik na nga ang buhay ng Pasig River. Ang mga nahuling isda ay senyales na nag-improve na ang water quality dito.
Ngunit pinahihintulutan pa rin ang mga tao na kainin ang mga nahuling isda sa ilog Pasig dahil maaaring naglalaman pa ito nga mga mapanganib na kemikal na pwedeng makaapekto sa kalusugan ng tao. 

Ayon naman sa PRRC, sila ay sasangguni sa mga ahensyang gobyerno upang ma-check ng mabuti kung ligtas na kainin ang mga isda na nahuli sa Pasig River. 

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

See how Robin Padilla and Marielle Padilla Treat their Helpers!

Pinaghandaan Nina Jinkee Pacquiao at Kambal Niyang si Janet Jamora ang Birthday Celebration ng Kanilang Ama sa Gen San

Isang Foreigner ang Lumipad Papuntang Pilipinas Upang Alagaan ang Dating Yaya na may Hindi Maayos na K0ndisyon

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera