Pinya, Hindi Lang Panghimagas, Pwede ring maging Lunas!








Ang Pinya ay isang tropical fruit na sagana sa bitamina, enzymes at anti-oxidant na tumutulong palakasin ang iyong immune system, nagpapalakas ito ng buto at naglulunas ng indigestion. Kahit na matamis ang mga ito, mababa lamang ang calories na kanilang taglay. 

Kahit na maraming may gusto na juice na lang ang kailang iniinom kaysa sa prutas, marami rin naman ang benepisyo nito kung fresh iinumin. Mahirap man itong balatan pero sa huli masisisyahan ka naman sa benepisyo nitong maibibigay.





Narito ang ilang rason kung bakit kailangan mong kumain ng pinya.

1. Nagbibigay Kalusugan Ng Mata
Marami na tayong alam na natural remedies para sa ating mata, pero isa sa mga ito ay ang pinya na mayroon rin palang nilalaman na bitamina na maaaring tumulong para mabawasan ang pagkalabo ng mata ng mga matatanda na. Kaya tayo sinasabihan na kumain ng prutas dahil sa mga bitamina nitong taglay na nakakatulong sa kalusugan ng iyong mata. 

2. Gamot sa Arthritis
Milyong-milyong tao sa buong mundo ang nakakaranas ng arthritis, pero alam mo ba na ang makakatulong sa iyo para mabawasan ang pamamaga na sanhi ng arthritis ay ang pinya? Dahil ang pinya ay may anti-inflammatory effects na makakabawas sa senyales na ipinapakita ng arthritis sa kasukasuan at kalamnan.

3. Nagpapatibay ng Buto
Ito tumutulong na panatilihin kang nakatayo ng mataas at malakas. Dahil ito ay naglalaman ng manganese at calcium na nagtutulungan para mapatibay ang ating buto at maisaayos muli ang mga nasirang tissue at palitan ang mga sirang buto. At ayon sa study noong 1994, ang manganese kasama ang iba pang minerals ay nakatutulong upang iwasan ang osteoporosis at post-menopausal sa mga babae.





4. Oral Health
Ang pinya ay hindi lamang prinoprotektahan ang bibig mula sa k@ns3r kundi pati na rin sa pampalakas ng gilagid at pinapanatiling maayos ang ating ngipin. Madalas rin itong nirereseta bilang natural remedy para sa ngipin at gilagid. Nakakatulong ito sa paghigpit ng mga tisyu ng katawan upang maiwasan ang pagkalagas ng ngipin o ang pagkabungi.

5. Nakakaalis ng Sipon At Ubo
Araw araw nangangailangan ng Vitamin-C ang mga tao para lumakas ang katawan at resistensya ng isang tao. Meron rin itong enzyme na responsable sa pagbabawas ng plema at mucus na nabubuo sa respiratory tract at sinus cavities. Kung mayroon ka ng sipon at ubo, mas napapabilis ng pinya ang paggaling nito at pag-alis sa ilang bakterya o mikrobyo.

Kung sensitibo ang iyong katawan sa pinya, huwag nang subukan pa ito dahil baka lumala pa ang epekto nito sa iyong kalusugan. Kung ika’y buntis iwasan ring kumain ng marami dahil may bromelain ito na mas kilala bilang pamparegla. Dapat tama lang ang pagkonsumo sa pinya dahil kapag sumobra maaari kang makaramdam ng pagsusuka, pagkahilo, pagtatae at panan4kit ng ulo.  


Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class

Pinoy Celebrity stars in their 30's: How They Looked 10 Years Ago