Pitong Benepisyo ng Pagkain ng Tofu




Ang tofu ay isa sa karaniwang nakikita na pagkain sa mga street food. Gawa ito mula sa namuong gatas ng pressed soybeans. Nagtataglay ito ng kulay puting kaanyuan na maiihahalintulad sa textura ng gelatin. Samantalang ang kaniyang lasa ay walang taglay. Ngunit kapag inihalo o isinama sa mga sangkap na lutuing pagkain ay maaabsorb nito ang lasa ng iba't ibang klase ng luto.



Kaya naman ang iba ay ginagamit itong pamalit na sangkap sa karne. Ang kaniyang textura at lasa ay siya namang nagugustuhan ng karamihan. Sa ano mang uri ng luto ang gagawin rito at klase ng tofu ay mananatiling may magandang hatid ito sa ating kalusugan.

Alam mo ba na ang soy ay nagtataglay ng walong amino acids na kailangan ng ating kalusugan. Kadalasan rin itong ginagamit na pamalit sa karne ng mga taong vegetarian. At Sa karagdagan ng inyong kaaalaman basahin ang mga benepisyong taglay para sa kagandahan ng kalusugan.

Pitong benepisyo ng Tofu sa ating kalusugan:

1. Lower Risk of Cardiovascular Disease

Nagtataglay ng mababang cholesterol, triglyceride, at low-density lipoprotein ang tofu kumpara sa karne. Kung gagamitin itong pamalit sa karne ay maaaring bumaba ang lahat ng lebel na nabanggit. Kaya naman napakaganda nitong paraan para sa mga taong nagtataglay ng mataas na blood pressure. Maiiwasan rin ang ano mang maaaring maging sanhi ng cardiovascular disease. Lubos itong nakatutulong sa mga taong nakakaranas nito at sa mga taong gustong maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso, at pagtaas ng pressure sa ating dugo.


2. Nakakapagpababa ng pagkakaroon ng k@ns3r cells

Ang nilalaman ng tofu ay may kakayahang mabawasan o maiwasan ang maaaring magdulot ng sak!t na c@ns3r sa atin. Tulad ng Selenium na may malakas na antioxidants na kung saan tinutulungan nitong hindi map@t@y ang ating healthy cells. Gayunpaman, ayon sa mga dokumentado napag-alaman na ang isa pang nilalaman nito ay may kakayahan na mabawasan ang sak!t na nararamdaman sa sintomas ng menopause.

3. Nakakapag-boost ng energy

Iron, copper at manganese. Ito ang mga nutrisyon na ating kailangan upang matulungang mapalakas ang ating enerhiya. Isama na rin, ang tatlong nutrisyon na ito ay napakahalaga para sa kalusugan ng ating diyeta.



4. Mataas sa fiber

Ang isang pagkain na mayaman sa hibla ay lubos na makatutulong sa atin para sa araw-araw na paglabas ng dumi sa ating katawan. Ngunit hindi lamang ito may kakayahan rin itong mapababa ang lebel ng asukal sa ating dugo at maiwasan ang pagkakaroon ng almuranas.

5. Good For Bone

Alam naman natin na ang calcium ang pangunahing kailangan upang mapanatiling malakas ang ating mga buto. Ito rin ang dahilan kung bakit maganda ang development ng ating mga buto. Kaya naman ang pagkain ng tofu ay maghahatid ng contribusyon sa pagpapalakas nito dahil ito ay naglalaman ng mataas na kalidad ng calcuim. Para sa ating kaalaman ang apat na ounce ng tofu ay katumbas ng walong ounce ng gatas ng baka. Ito rin ay napakahalagang nutrisyon para sa paglaki ng bata at pagtibay ng ating ngipin. Bukod pa, maganda ito sa mga babaeng malakas ang tiyansang magkaroon ng osteoporosis.


6. Nagtataglay ng omega 3 fatty acids

Ang pagkain na nagtataglay ng omega 3 fatty acids ay napakaganda para sa mga taong buntis kasama na ang pagdevelope ng baby sa kaniyang tiyan. Makakatulong pa ito para sa patuloy na pagganda ng kalusugan sa ating mata. Magagamit na panlaban sa sakit na depression at anxiety. May kakayahan rin itong malabanan ang pagkakaroon ng sakit na Alzheimer sa pagtanda.

7. Nakakatulong para maging healthy ang kidney at liver

Ang ano mang uri ng soybeans na pagkain ay lubos na may magandang hatid sa ating kalusugan. Napag-alaman na ang tofu ay may abilidad na matulungang maiwasan ang pagkasira ng ating atay at kidney dahil sa taglay nitong protina at free radicals.

Comments

Popular posts from this blog

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Dating Beauty Queen na si Dayanara Torres, Lumalaban Ngayon Sa Isang Malubhang Karamdaman

Umani Ng Iba't Ibang Reaksyon Sa Mga Netizens Ang Isang Guro Na Mas Piniling Magresign Na Lamang Sa Pagtuturo

Ito Pala ang Dahilan Kung Ano ang Nangyari sa Mata ng Aktor na si Randy Santiago

Lalaki, Tinupad Ang Dream House Ng Kanyang Ama Na Matagal Ng Pinapangarap