Pitong Maaaring Sanhi ng Hirap sa Pagdumi o Pagiging Constipated




Ang problema sa pagdudumi ay kadalasan nating nararanasan lalo na kung tayo ay dehydrated. Minsan ang pagdiyeta at hindi wastong pag-ehersisyo ang sinisisi sa mga masasamang umaga natin. Ngunit mayroon pang mas maraming salarin maliban sa pagkain at hindi wastong pag-ehersisyo ang nagiging dahilan ng hindi pagkadumi (constipation). 

Itong mga nakakabiglang mga dahilan ay pinaniniwalaang mas nakakapinsala sa atin kaysa sa mga halatang dahilan dahil madalas sila ay hindi napapansin at hindi nagagamot ng panandalian lamang. 

Ito pala ang posibleng sanhi ng pagiging constipated o hirap sa pagdumi:



1. Hypothyroidism

Ang thyroid ay may papel na ginagampanan sa pagkontrol sa metabolismo, kaya kapag ito ay hindi gumagana ng maayos, nagsisimula ka nang gumugol sa banyo. Sa kabutihang palad, may isang simpleng pagsusuri sa dugo na maaring magpatingin sa kondisyon at makatulong sa iyo na makakuha ng tumpak na gamot. Isa ang Hypothyroidism sa mga dahilan kung bakit hirap sa pagdumi ang isang tao.




2. Depresyon

Ang depresyon ay hindi lamang nakakaapekto ng iyong pamumuhay., ngunit ito din ay nakakasama sa ating sistema. Ang mga taong may depresyon ay kadalasang mayroong iba't ibang paraan ng pamumuhay. Ang mga ito ay tamad at ginugugol ang karamihan ng kanilang oras sa kama at ang kanilang diyeta ay karaniwang binubuo ng mga pagkaing pampaginhawa na kadalasan ay humahantong sa hirap sa pagdumi dahil sa pagkain ng kanilang unhealthy 'comfort food".


3. Mga medikasyon

Ang ilang mga uri ng gamot ay may potensyal na makaapekto sa iyong metabolismo. Kaya nagiging sanhi ito ng pagtigas ng dumi. Nangunguna sa listahan ng mga naturang mga gamot ay mga pangpawala ng pain sa isang tao, lalo na ang mga opioid at mga narcotics. 




4. Mga Suplemento

Ang mga suplemento lalo na ang mga naglalaman ng calcium at iron ay kilala sa pag-trigger ng paninigas ng dumi. Kaya kung gustong mabalanse ang dugo, mas mainam na kumain na lamang ng mga pagkain na mataas sa iron at fiber upang hindi na uminom pa ng mga supplemento na siyang nakakaapekto sa pagdumi.

5. Pagbubuntis

Ang pagbubuntis ay nakakaapekto sa hormones ng mga babae. Ang pagbabagong ito sa mga hormones ay karaniwang nagdudulot ng pagtigas ng dumi sa panahon ng pagbubuntis. 6. Pagkain ng tsokolate Ang dark chocolate ay maaaring maging sanhi ng pananak!t ng tyan at pagiging constipated. Kung hirap ka sa pagdumi, umiwas muna sa mga pagkain ng dark chocolate upang hindi mas lalong tumigas ito.

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nanay Hirap Na Hirap Kandungin Ang Kanyang Anak Na Nakatulog, At Ang Masama Ay Wala Man Lang Nag-alok Sa Kanya Ng Upuan

Ginawa Ng Estudyanteng Ito Ang Improvised Ballpen Na Gawa Sa Kahoy Dahil Pursigido Siyang Makapag-aral Kahit Wala Siyang Gamit