Tinulungan Ng Mabait Na Guro Ang Isang Estudyanteng Nagsusuot Ng Napakalaking Uniporme Sa Eskwela


Ang mga guro ay ating itinuturing na pangalawang magulang. Hindi lamang sila nagsisilbing tagapagturo ng mga leksyon kundi ipinapakita rin nila ang kanilang pagmamahal at pagmamalasakit sa kanilang mga estudyante.

Pinahanga ng gurong ito ang mga netizens dahil sa kabutihang loob na ipinakita niya sa isang estudyanteng nangangailangan ng tulong.

Sa hirap ng buhay ngayon, maraming bata ang hindi nagbibigyan ng pagkakataong makapag-aral. Ang iba naman, kahit na sila ay nakakapasok sa eskwela ay wala naman silang pambili ng mga bagong gamit at uniporme.

Dahil dito, ang nangyayari ay naghihiraman na lamang ng uniporme ang magkakapatid o di kaya ay ipinapasa sa mga mas nakakababatang kapatid ang mga pinaggamitang damit. 

Nakita ng guro na ito na si Mohd Nasir Mohd Zain na taga Malaysia ang isang Grade 3 student na tila hirap ang isang batang estudyante papasok sa eskwela dahil sa pagkalaki-laking suot ng uniporme at mga sapatos.

Napag-alaman niya na ang suot suot na uniform ng bata ay mula pa sa kanyang nakakatandang kapatid na nasa sixth grade. Sino nga ba naman ang magiging komportable kung ang iyong suot na damit ay sobrang laki, pantalon na sobrang luwang at talaga namang napakahirap maglakad kung ang sukat ng iyong sapatos ay mas malaki kaysa sa iyong paa.

Sa katunayan, ang batang lalaki ay hindi naman kabilang sa mga estudyanteng tinuturuan ni Zain ngunit gayunpaman ay taong puso niya itong tinulungan. 

Humingi ng permiso sa kanilang principal si Zain upang dalhin ang bata sa isang tindahang nagtitinda ng mga uniporme. At noong pinayagan sila ay isinama niya ang bata sa bilihan ng uniporme at sapatos.

Nagsukat ng mga uniporme ang bata na sakto sa kanyang pangangatawan at saka binili ito ni Zain para sa kanya.

Ikinatuwa naman ng maraming netizens ang napakabuting ginawa ni Zain sa isang estudyanteng nangangailangan ng kanyang tulong. Pinuri rin siya ng karamihan at hiniling na sana ay mas dumami pa ang mga gurong katulad niya. 

Ngayon ay nagkaroon na ng kumpyansa sa sarili ang bata na pumasok sa eskwelahan dahil mayroon na itong tamang sukat ng uniporme at sapatos at hindi na ito muling mahihirapan sa pagpasok.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!