Napakaruming Kanal Noon Sa Iligan City, Ngayon Ay Isa Nang Napakagandang Koi Fish Pond

Kapag sinabing kanal, ang unang papasok sa isipan natin ay mabaho at maruming drainage system. Dahil ganyan ang sitwasyon ng halos ng mga kanal dito sa ating bansa at ang mga ito ay punong-puno ng mga basura. Ngunit alam niyo ba na sa bansang Japan ay naging patok ang mga kanal nila na napakalinis at naging tirahan na rin ng mga koi fish. Sa katunayan, naging atraksyon na rin ito sa mga turista dahil bibihira lamang na makakita ng isang kanal na tila isang fish pond. Ito ang naging inspirasyon naman ng mga opisyal at residente na nakatira malapit sa isang creek na malapit rin sa isang mall sa Iligan City. Ang Baslayan Creek ay dating napakarumi, polluted, at punong puno ng basurang creek. Ngunit nagkaisa ang mga tao doon na linisin ito upang maging tirahan ito ng mga libo libong mga koi fish at iba pang isda. Sa tulong ng iba pang mga residente, hindi lamang nila ito nilinis kundi inayos rin nila ang landscape ng nasabing creek. Dinisenyo nila ito na