6 Rason Kung Bakit Dapat Subukan Ang Apple Cider Vinegar Bath




Marami na ang mga artikulo at balita tungkol sa bisa ng apple cider vinegar sa katawan. Iba-iba rin ang mga paraan kung paano ito gamitin. Pwede itong inumin, ipangkuskos, ipanghugas, etc. at malamang ang hindi niyo pa nasusubukan ay ang apple cider vinegar bath.

Maasim man ang amoy ng sukang ito ay may naidudulot naman na magandang benepisyo sa katawan kung ito'y ipinagligo. Narito at alamin ninyo!

1. Panlunas sa mga pangangati at kondisyon sa balat

Mainam na ipangligo ang apple cider vinegar. Mas maganda kung sa isang bathtub na may maligamgam o mainit na tubig at nilagyan ng 1-2 tasang apple cider vinegar ay maglublub sa loob ng 20-30 minuto. Ang apple cider kasi ay mayroong antibacterial effect sa katawan na nakakatulong sa pagpuksa ng mga bakterya. 

Kung wala namang bathtub, ay kumuha na lamang ng malaking batya at ilublob ang ang parte ng balat na may pangangati. Maaari itong gamitin sa mayroong athlete's foot, eczema, at balakubak.

2. Binabalik ang normal na pH level ng balat

Ang suka ay natural na acidic kaya naman nakakatulong itong maibalik ang normal na balanse ng pH level ng balat. Mayroon ding ilang mga indibidwal na nakapagsabi na ang apple cider soak bath ay nakakatulong rin ito sa mga masak!t na kasu-kasuan.

3. Nakakapagpaiwas sa body odor

Ang body odor ay nabubuo kapag ang bakterya sa katawan ay nahahalo sa pawis. At karaniwang mabilis dumami ang bakterya kung saan moist tulad ng singit at kili-kili. Ang apple cider vinegar ay nakakatulong sa pagpuksa ng mga odor causing bacteria na ito. Maaaring gawing pangligo upang matanggal ang masangsang na amoy ng katawan.

4. Mabuti para sa balat

Ang apple cider vinegar ay mayroong natural source ng bitamina C, B at iba pang mineral na nakakatulong sa pagno-nourish ng balat. Ayon sa mga ilang pagsusuri, ito ay nakakatulong sa pagmoisturize ng balat at nakakatulong magpalambot ng balat at buhok.

5. Pantanggal ng balakubak

Dahil may antifungal at antibacterial na kakayahan ang ACV, nakakatulong rin ito sa pantanggal ng balakubak na dulot ng fungi. Nakakapagtanggal ito sa pagbara ng hair follicle na isang rason kung bakit nagkakaroon ka ng balakubak.

6. Nakakapagdetoxify ng balat

Ang pagbabad sa apple cider vinegar solution ay nakakapagbalik ng balanse sa pH level ng balat at nakakapagtanggal ng mga toxins na nasa loob ng mga pores. 

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!