7 Nakaka-Amaze Na Paraan Para Gamitin Ang Baking Soda

Ang baking soda ay kadalasang ginagamit na leavening agent para sa paggawa ng mga tinapay, cookies, cakes, at iba pang pagkain. Pinapaalasa nito ang dough sa pamamagitan ng pagproduce ng carbon dioxide. Ito rin ay ginagamit sa mga sauces upang mas maging malapot.

Bukod dito, ang baking soda ay may napakarami pang gamit hindi lamang sa pagluluto. Narito at ma-amaze pa kayo sa iba pang gamit nito na pwede niyo ring subukan.

1. Mouthwash

Ang mouthwash ay nakakatulong upang mas matagal na manatiling fresh ang iyong bibig. Nakakatulong din ito upang malinisan ang mga singit-singit ng ngipin at bibig na hindi naabot ng regular na pagsesepilyo. Ang ibang tao ay ginagamit na replacement ang baking soda para sa mouthwash dahil may taglay rin itong antibacterial properties. 

Magdagdag ng 1/2 kutsarita ng baking soda sa isang basong tubig. Ihalo at ipangmumog ito.

2. Para sa singaw

Ang singaw o canker sore ay basta basta na lamang lumilitaw sa bibig na nagdudulot ng mahapding pakiramdam. Ang mga ito ay kusang nawawala ngunit upang mapabilis ang paghilom ng mga ito ay gamitin ang baking soda bilang pangmumog isang beses sa isang araw.

3. Deodorant

Ang baking soda ay nakakatulong upang alisin ang mabahong amoy sa kili-kili na dulot ng pawis. Subukang gawing parang pulbo sa kili-kili ang baking soda at pansinin ang effect nito.

4. Pantanggal ng sunburns at pangangati

Sa katunayan, ang baking soda ay nakakatulong sa makating balat na dulot ng mga kagat ng insekto at sunburn. Mas epektibo ito kung ipinaghalo sa ibang ingredients tulad ng cornstarch at oatmeal. Maaaring idagdag ang 1-2 cups ng baking soda sa magligamgam na tubig na ipangliligo.

5. Kalyo

Ang kalyo ay ang mga parte sa balat na tumigas dahil sa friction. Hindi naman ito seryosong kondisyon ngunit ang mga ito ay kumakapal kaya ang nais mo ay palambutin at tanggalin ang mga ito. Ibabad ang kalyo sa tubig na may baking soda, nakakatulong itong magpalambot ng kalyo para mas madali itong matanggal kapag kinuskos gamit ang pumice stone. 

6. Pampaputi ng labada

Hindi lamang sa pagkain at katawan magagamit ang baking soda. Pwede rin itong pampaputi ng mga damit. Nakakatulong itong tanggaling ang mga dumi at mantsa sa mga tela. Magdagdag lamang ng 1/2 tasang baking soda sa iyong regular na sabong panlaba. Maaaring ibabad muna ang mga damit dito bago ikusot.

7. Heartburn

Ang heartburn o acid reflux ay ang burning sensation na umaakyat galing sa iyong tiyan patungo sa iyong throat o lalamunan. Ito ay maaaring dulot ng overeating, stress, pagkain ng mamantika at spicy foods. Samantala, ang baking soda ay nakakatulong sa pag-neutralize ng mga stomach acid. Ihalo ang 1 kutsaritang baking soda sa isang basong tubig. Inumin ang mixture ng dahan-dahan upang guminhawa ang pakiramdam sa heartburn.

Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso