Alamin Kung Paano Nga Ba Gaamitin ang Sibuyas Bilang Pampahaba ng Buhok!



Isa sa gusto nating mga kababaihan ay kumportable tayo sa buhok natin, kaya naman ay minsan nagpapagupit tayo okaya naman ay nagpapahaba ng buhok. May mga taong sadyang mabagal ang paghaba ng buhok kaya naman humahanap tayo ng paraan para pahabain ito. Hindi na ko magsisinungaling, mahirap magpahaba ng buhok kaya kailangan na kailangan natin ng pasensya para rito. Gamit ang sustansyang pampalago ng buhok tulad ng sibuyas ay maaaring matulungang pabilisin ang rate ng paghaba ng ating buhok na nagdadagdag rin para sa volume nito.

Ang paggamit ng juice ng sibuyas ay nakakatulong sa pagpapabuti ng paglago ng buhok sa pamamagitan ng angking antioxidant enzyme catalase dahil kaya nitong alisin ang hydrogen peroxide para mapabuti ang paglago o paghaba ng buhok. Nagbibigay rin ito ng nutrisyon sa follicle ng buhok dahil sa nilalaman nitong sulfur.



Narito ang ilang pwedeng ihalo sa Sibuyas para Makagawa ng remedyo sa pagpapahaba ng buhok

1. Egg 
Ang kombinasyon ng itlog at sibuyas ay tinatawag na hair mask na makakatulong upang pataasin ang laman na protina ng katawan at nakatutulong sa pag-aalaga ng buhok. Ihalo ang itlog at onion juice tsaka ipahid sa buhok hanggang anit, pagkatapos ay pwedeng lagyan ito ng shower cap nang sa gayon ay hindi magkaroon ng dumi tsaka iwanan ng 20 hanggang 30 minuto. Kapag natapos na ang oras, maaari ng hugasan ito ng malaming na tubig at shampoo. 

2. Ginger 
Tulad ng ibang sangkap, ihalo ang bawang sa katas ng sibuyas at imasahe rin ito sa iyong anit, pagkatapos, iwanan na lamang ito sa loob ng 30 minutes at hugasan na ang buhok ng shampoo. Nakakatulong ito sa pagboost ng blood circulation at naiiwasan rin ang pagkalagas ng buhok.

3. Garlic
Pagsama-samahin ang garlic, onion juice at olive oil, ipahid na ito sa iyong anit hanggang sa ang matira na lamang ay oil at iwanan ito sa loob ng isang oras at hugasan na ito ng shampoo. Nakakatulong ito pataasin ang lebel ng pagkapal at paghaba ng buhok. Dahil ang Garlic ay naglalaman ng minerals tulad na lamang ng calcium, sulfur, at zinc.




4. Honey
Ang Honey magandang pang moisturize ng balat pati na rin ng buhok. Kapag ihinalo na sa katas ng sibuyas ang honey, nakakatulong ito sa pagbilis ng paghaba ng buhok at pinapanatili itong malusog at hydrated. Ang kailangan lang gawin ay imasahe ang kombinasyon ng honey at oinion juice sa buhok ng ilang segundo at iwan ito sa loob ng tatlumpung minuto. Ulitin ito sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw kada lingo.

5. Potato
Isang magandang ingredient ang patatas dahil sa nutrisyon na angkin nito tulad ng bitaminang B at C, at mga mineral gaya ng bakal, sink at niacin. Tiyak na natutulungan nito na mabigyang nutrisyon ang follicles ng buhok para humaba ng mabilis. Ang kailangan lang gawin ay ihalo ang patatas at sibuyas, at imasahe ito sa iyong anit sa loob ng sampung minuto, pagkatapos ay hugasan ang iyong buhok ng shampoo para maalis.

Comments

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!