Apat na Detox Drinks Upang Mawala ang Bilbil sa Tiyan at Bumilis ang Metabolismo!




Gusto mong magbawas ng timbang ngunit hindi alam kung paano sisimulan? Isa ka rin ba sa mga naghahanap ng paraan kung ano ang gagawin upang mawala ang iyong naglalakihang bilbil?

Basahin ang kabuuan ng artikulong ito, Tiyak na ang iyong pinoproblema sa bilbil ay mawawala sa tulong ng apat na inumin na ito.

Ang simpleng pag-ehehersisyo sa araw-araw ay malaki ang maitutulong sa inyong pagpapayat. Kaya naman para sa mas mabilisang pagbabawas ng timbang ay sabayan ito ng mga inuming makapaglilinis ng dumi sa inyong tiyan na kung saan ang resulta nito ay gaganda ang iyong pangangatawan at matatanggal ang mga t0xins sa katawan.

Narito ang apat na detoxifying drinks na makapagbabaws ng iyong mga bilbil. Bukod pa rito, sagot rin ito sa iniindang hirap sa pagdudumi.

1.Rosemary at Orange




Ang halamang rosemary na ito ay kilala rin sa tawag na romero na nagtataglay ng amoy. Madalas na inihahalo sa mga lutuin upang pampabango. Isa itong maliit na halaman na may pahaba at maliliit na kulay berdeng dahon. Ang kaniyang bulaklak ay maaaring kulay lila o asul. Bukod pa rito, ang kaniyang taglay na nilalaman ay makatutulong sa pagbabawas ng timbang. Samantalang ang prutas na orange ay naglalaman ng antioxidants na kumikilos ng mahusay sa pagbawas ng timbang.

Sangkap at hakbang sa paggawa nito:

-Maghanda ng dalawang kutsarang rosemary, dalawang tasang maligamgam na tubig at kalahating piraso ng orange. -Balutin sa isang malinis na tela ang rosemary. Ilagay ito sa isang tasa at lagyan ng maligamgam na tubig. Hayaan ito ng tatlo hanggang limang minuto -Makalipas ang nasabing minuto, tanggalin na ang ibinabad na rosemary -Pigain ang prutas na orange para makuha ang juice nito. Isama ito sa mga naunang hakbang -Ibabad ang balat ng orange at natirang laman nito ng limang minuto -Haluin ang ginawang tsaa at inumin nang sa gayon makuha na ang benepisyong taglay nito

2. Luya, Tsaa, at honey

Ang tatlong sangkap na ito ay kilala bilang isang mabenepisyo sa ating kalusugan. Kaya naman gagamitin ang mga ito upang makatulong sa paglabas ng dumi sa ating tiyan nang sagayon mabawasan ang ating timbang at mawala ang naglalakihang bilbil.

Mga kailangan at Paano gawin:


-Sa paggawa sa inuming ito ay nangangailangan ng limang pirasong hiniwang luya, dalawang tasang mainit na tubig, isang green tea bag, at isang kutsarang honey. 

-Ilagay ang hiniwang luya sa inyong inihandang tasa. Kasunod nito ang mainit na tubig 
-Ngayon, ang green tea bag ay idagdag na ibabad sa magkasunod na naging hakbang Hayaan na maghalo ang kanilang lasa ng lima hanggang walong minuto
-Matapos gawin ang mga nasabing gawain, alisin ang luya at tea bag. Isama na isang kutsarang honey
-Haluin ng mabuti hanggang magsama-sama ang sangkap. Inumin ito araw-araw para sa mabilis na resulta.




3. Pipino, Honey at Luya



Nagtataglay ng mataas na nutrisyon ang pipino. May kakayahan itong malunasan ang ilang uri ng sak!t. Isa rin ito sa mga prutas na mayaman sa antioxidants na sagot sa mga taong nakakaranas ng kahirapan sa pagdumi. Bukod pa rito, sa pagbabawas ng ating timbang ay mapapanatili nito ang hydration ng katawan. Idagdag pa ang nilalaman na magagandang benepisyo ng luya at honey, tiyak na isang malusog na inumin ito para sa inyong tiyan.

Preparasyon sa paggawa:


-Ang mga kailangan sa paghahanda sa inumin ito ay ang paghiwa ng luya, kalahating pipino at pagpirapirasuhin, at kakutsarang honey
-Lagyan ng maligamgam na tubig ang isang tasa kasabay nito ang limang pirasong hiniwang luya. Hayaan ng limang minuto
-Idagdag ang isang kutsarang honey at haluin 
-Muli, isama ang isa pang sangkap na pipino. Paghaluhaluin hanggang sa magsama-sama ang sangkap. Hayaan ng tatlong munuto

-Gawin ito araw-araw at inumin tuwing umaga

4. Lemon, Luya, at Tubig


Ang mga citrus fruit ay kilala bilang mayaman sa bitamina at antioxidant properties kabilang na ang prutas na lemon. Kaya isa rin ito sa mga sangkap ng inumin na makatatanggal ng iyong problemang bilbil. Pasok rin ito sa mga taong hirap dumumi. Basahin na ang hakbang sa paggawa nito upang matikman ang mga nilalaman na ikakaganda ng ating kalusugan.

-Isang piraso ng lemon, luya at dalawang tasang kumulong tubig ang mga kakailanganin sa paggawa sa inuming ito 
-Hiwaiin ang luya at ilagay sa tasang may mainit na tubig. Hayaan ng tatlong minuto. 
-Kasunod nito ang paghati sa lemon. Pisilin at pigain hanggang sa makuha ang katas. Ihalo ito sa luyang ibinababad 
-Isamang ilagay ang balat ng lemon at ang natitirang laman nito. Ibabad lamang ng tatlong minuto. 
-Halu-haluin ang mga sangkap at inumin

Comments

  1. Nagawa ko na lahat yan at super effective. Un nga lang haluan ng konting sipag sa pag prepara para mas lalo umepekto sa araw araw.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Top 10 Young Millionaire Celebrities ng Ating Henerasyon Ngayon!

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!