Benepisyong Pangkalusugan na Makukuha sa Pagkain ng Labanos o Radish!







Ang labanos, tulad ng karot, ay isang gulay na ugat na kilalang-kilala sa ating bansa. Ito ay hugis pahaba, kulay puti at may matapang na amoy. Ang halaman nito ay mababa lang at ang mga dahon ay bahagyang mabalahibo. 

Maaring mapagkuhanan ng maraming uri ng sustansya at benepisyo sa kalusugan ang iba’t ibang bahagi ng halamang labanos. Ang halaman na ito ay makukuhanan ng triterpenes, alkaloids, flavonoids, tannins, saponin at coumarins. Ang buto naman nito ay mayroong fatty oil, ash, volatile oil, sulphur, at erucic.




Ang mga ito ay maaring magamot ng labanos:

1. Pagtatae
Kadalasang ang isang tao na dumadanas ng pagtatae ay pinapainom ng pinaglagaan ng sariwang dahon ng labanos. 

2. Hirap sa pag-ihi
Maaaring matulungan ng pag-inom ng katas ng sariwang dahon ng labanos ang taong hirap sa pag-ihi.

3. Pan@nak!t ng sikmura
Makatutulong naman ang pagkain sa bungang-ugat ng labanos ang taong nakakaranas ng pan@n@k!t ng sikmura.





4. Paso
Ginagamit din na pantapal sa bahagi ng katawan na napaso ang dinikdik na bunga ng labanos.

5. Lagnat at Ubo
Matutulungan naman na pababain ang lagnat at gamutin ang ubo kung makakainom ng nilagang bungang-ugat ng labanos.

6.  Mabahong paa
Ang pamamaho ng paa ay maaaring pahiran ng dinikdik na bungang-ugat ng labanos upang matanggal ang amoy nito.



Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!