Gumamit ng Tuwalya Bilang Pinakasimple at Madaling Paraan ng Pag-ayos ng Postura at Pagbawas ng Taba sa Tiyan!





Talaga namang mainam para sa ating kalusugan ang maayos na postura at magandang ukit ng pangangatawan. Maraming mga paraan ang magagamit upang makamtan ang ninanais na ‘curves’, ngunitang Japanese method na ito ay isang mabisang paraan upang mawala ang taba sa tyan!

Ang pambihirang ideyang ito ay inilahad ng isang Japanese Physician na si Dr. Toshiki Fukutsudzi. Siya ay isang na sikat na doktor at medikal na pioneer na may-akda sa isang aklat na nakabenta ng 6 milyong kopya sa Asya. Nakapaloob sa kanyang libro ang imunumungkahi niyang isang simple at epektibong ehersisyo na makapagpapagamot ng pananakit sa likod, makapagpapaayos ng postura, at makapagbabawas ng taba sa tyan.


Ang bahagi ng spine sa pagitan ng mga ribs ng iyong likod ay kung saan ang mga ugat ay konektado Kaya kung ang pustura ay hindi tama, maaaring magresulta ito sa mga komplikasyon, tulad ng constipation, bloating, gas, at pagtaba sa paligid ng bewang. Ang pagsasaayos ng pustura at pagwawasto sa hugis ay nakapagbabalik ng tamang ayos ng pangangatawan at nakababawas ng taba sa tiyan.

Narito ang mga hakbang sa paggamit ng pamamaraang ito gamit lamang ang isang tuwalya at yoga mat:



1. Tiklupin o ‘i-roll’ ang iyong tuwalya na hindi kukulangin sa 15 pulgada ang haba at humigit kumulang 4 na pulgada ang lapad.



2. Humiga at ilagay ang tuwalya sa ilalim ng iyong mababang likod, katapat ng iyong pusod.


3. Ilayo ang iyong mga paa sa shoulder- width. Ang iyong mga daliri sa paa ay dapat na nakadikit sa isa't isa.


4. I-stretch ang iyong mga braso sa itaas ng iyong ulo, ibaba ang mga palad, at ipagdikit ang iyong mga hinliliit.



5. Siguraduhin na ang iyong mga hinliliit at iyong mga daliri ay nakaharap sa bawat isa.


6. Hawakan ang posisyon na ito nang 5 minuto.


7. Kapag tapos na, pakawalan ang posisyon at bumalik sa pagkahiga nang walang biglaang jerking motion.


Ulitin ang ganitong position dalawang beses sa isang araw upang ma-exercise ang ating taba sa tiyan.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira