Isang 91-Taong Gulang Na Guro Ay Nagtuturo Pa Rin Hanggang Ngayon At Hinangaan Ng Maraming Netizens


Ang bawat guro ay mayroong napaka-importanteng tungkulin na ginagampanan sa loob ng classroom at sa buhay ng kanilang mga estudyante. Sila ay tumatayong pangalawang magulang dahil ang tanging nais nila ay matuto ang kanilang mga estudyante para sa kanilang kinabukasan.

Hindi madali ang buhay ng isang titser, dahil bukod sa pagbubuhos ng pasensya sa mga makukulit na estudyante ay dapat isa-puso mo ang iyong ginagawa. Ngunit gayunpaman, ang isang 91 taong gulang na lalaking ito ay hindi iniwan ang kanyang propesyon at mas piniling magturo pa rin kahit sa kanyang edad. 

Kinilala ang dakilang guro na si Sir Gonzalo Tosco Maravilla na taga Albasan Numancia, Aklan. Kung sa edad niya ay dapat ay nagpapahinga na lamang siya sa bahay, ay mas pinili niyang magturo ng Mathematics at Physics sa Madyaas Institute sa Barangay Poblacion, Numancia. 

Ipinanganak si Sir Gonzalo noong January 10, 1928 at nagsimulang maturo sa paaralan noong taong 1950 at hanggang ngayon. Sa katunayan, isa siya sa mga founding fathers ng Madyaas Institute kung saan siya nagtuturo. 

Ayon sa mga ulat, ang matanda ay may malakas pa rin na pangangatawan, matalas ang pandinig at malinaw pa ring magsalita. Isa sa mga paborito rin niyang gawin ay mag-ayos ng mga electronic appliances sa kanilang tahanan.

Marahil marami ang nagtataka kung ano ang kanyang sikreto sa pagkakaroon ng mahabang buhay. Ayon kay Sir Gonzalo, naniniwala siya na ang pagkain ng gulay ay isa sa mga recipe para sa long life. Wala rin siyang bisyo at naglalakad siya araw-araw papunta sa kanyang trabaho.

Ang ilan sa mga estudyante niya noon ay mga officers na ngayon ng kanilang paaralan. At tunay na ipinagmamalaki niya ang mga ito dahil karamihan sa kanila ay mga propesyonal na rin.

Proud na proud rin naman ang kaniyang mga estudyante dahil dumaan sa kanilang buhay ang isang mapagmalasakit at mabait na guro na tulad ng Sir Gonzalo. 

Napahanga rin ang maraming netizens sa debosyon ni Sir Gonzalo sa pagtuturo at sinasabi na isa siyang napakagaling na guro. Mapapansin na mukhang paboritro rin siya ng kaniyang mga estudyante noon. 

Comments

Popular posts from this blog

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Mabait Na Security Guard Tinulungan Ang Isang Bata Na Nakatulog Sa Kalsada

Lalamove Rider Na May Sira-Sirang Sapatos Binigyan Ng Sapatos Ng Kanyang Customer

Isang Ina na madalas kasama ang anak sa trabaho at pag-aaral, Nakapagtapos ng Kolehiyo dahil sa sipag at tiyaga