Ito ang Pitong Halamang Gamot Para sa Nangangating Hadhad




Ang hadhad ay isang pangkaraniwang sak!t sa balat. Kung ito ay mapapabayaan ay maaaring lumala at kumalat sa iyong katawan. Maaari rin itong maipasa sa ibang tao sa pamamagitan ng paggamit sa iyong personal na kagamitan tulad ng underwear at tuwalya. 

Ayon na rin sa mga dalubhasa, ang sak!t na hadhad ay galing sa fungus na kung saaan karaniwan na nakakaranas nito ay ang mga kalalakihan. Madalas na tubuan ang mga ito sa parte ng singit. Dahil sa kanilang aktibong pamamaraan sa mga sports ay madalas na pagpawisan ang mga ito na siyang maaaring pagmulan ng kondisyon na ito.

Ngunit ang mga kababaihan ay may posibilidad pa rin na maranasan ito. Mas aktibo ito sa panahon ng tag-init o maalinsangan. Dumarami ang mikrobyong ito sa mga damit na natuyuan ng pawis, underw3ar na matagal ng nababad sa labahin at pagsuot muli sa damit na hindi nalabhan o natuyo ng mabuti. 

Ang pagkakaroon ng kondisyon na ito ay maaaring makaranas ng mga sintomas na pangangati sa singit, paghapdi ng apektadong balat, mapapansin sa balat na namumula o kaya nangingitim, mga pantal o butlig at pagkatuklap ng balat. Gayunpaman, ang artikulong ito ay magbibigay sa iyo ng tips kung paaano malulunasan ang problema na hadhad. 

Narito ang pitong halamang gamot na sagot sa nakadidiri at nakakairitang hadhad: 





1. Gumamit ng Garlic

Ang bawang ay napakaraming benepisyo ang maihahatid sa ating kalusugan. Dahil sa kaniyang taglay na natural antibiotics ay makatutulong ito sa paggamot ng hadhad. Ipahid lamang ang dinikdik na bawang sa apektadong parte ng balat nang sa gayon magamot na ang nararanasang hadhad. Maaari rin itong gamiting panggamot sa iba pang uri ng fungi. 


2. Gumamit ng Luya

Alam mo ba na ang luya ay isa sa gamot upang maalis ang nakaiiritang hadhad. Ito ay nagtataglay ng antibacterial at antifungal na kung saan sagot sa taong dumaranas nito. Bukod pa rito ang iba pang uri ng impeksiyon sa ating balat ay kayang magamot ng luya. Kaya naman gamitin ito hindi lamang sa panluto kung hindi pati na rin sa paggamot sa iyong nakakairitang hadhad. 




3. Mangosteen

Isa ito sa napaka-mabenepisyong prutas. May kakayahan na malunasan ang ilang uri ng sak!t tulad ng high blood, at tuberculosis. Napapalakas at napapalusog rin nito ang ating kalusugan dahil sa kaniyang taglay na bitamina at iba pang nilalaman. Idagdag pa ang kakayahan nitong malabanan ang fungal at mga viral infection. Kumuha ng dahon at kahoy ng mangosteen at pakuluan ito ng sampong minuto. Palamigin ng kaunti nang sa gayon maipahid na sa apektadong balat. 


4. Bitter Gourd 


Hindi man ito paboritong kainin ng mga bata o ng iba nagtataglay naman ito ng magagandang benepisyo sa ating kalusugan. Ang lasa nito ang siyang kinaaawayan ng iba. Ngunit ang pait na nilalaman nito ay makatutulong sa paggamot ng hadhad. Dikdikin pigain ang ampalaya nang lumabas ang katas nito. Isunod ang pagpahid sa apektadong balat para mawala na ang iyong hadhad o iba pang uri ng fungus.




5. Coconut Oil 


Ayon sa mga eksperto ang langis ng niyog ay mabisang panggamot at panlaban sa sakit ng balat. Bukod pa rito may benepisyong hatid rin sa pagganda ng ating buhok, maayos na paggana ng ating utak, at nakakapagpababa ng timbang. Ang nilalaman nitong fatty acids ay may kakayahang mapatay ang mga nakakasamang microorganismo tulad ng bacteria, viruses, at fungi. Kaya naman ipahid na ang coconut oil sa inyong balat upang malunasan na ang tinamong hadhad. 


6. Pinakuluang Guava Leaves

Maglaga ng dahon ng bayabas at gawing panghugas sa apektadong parte ng iyong balat nang sa gayon gumaling na ang dinadaing na hadhad. Ang antimicrobial agent na nilalaman nito ay isang mahusay na panggamot sa mga iba't ibang uri ng sakit sa balat tulad ng hadhad. Idagdag pa na mula puno hanggang sa kaniyang bunga ay lubos na naglalaman ng mga benepisyong nakatutulong sa ating kalusugan. 


7. Oregano 


Isang kulay berdeng halaman na madaling makita sa mga bakuran. Karaniwan itong ginagamit na gamot sa ubo, sipon at hika. Kabilang rin ang oregano sa mabisang gamot sa sak!t tiyan. Idagdag pa na may kakayahan itong magamot ang makating hadhad. Dahil sa kaniyang nilalaman na anti-fungal effect madali nitong mapagaling ang mga iba't ibang uri ng sakit sa balat.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera