Kilalanin Ang Napakagandang Asawa Ni Vandolph Quizon Na Dating Miyembro Ng Isang Girl Group!


Kilalang kilala si Vandolph Lacsamana Quizon o "Vandolph" dahil siya ang isa sa mga anak ng dating Comedy King na si Dolphy. Nakilala dahil din sa pagganap sa iba't ibang pelikula na kasama ang kanyang ama noong bata pa siya tulad ng Home Along Da Riles.

Siya ay ikinasal sa kanyang napakagandang asawa na si Jenny Salimao. 

Si Jenny ay kabilang sa original group na "Gee Girls" bilang isang dancer sa ABS-CBN noontime variety show na Masayang Tanghali Bayan. Siya ang tinaguriang leader ng grupo at tinuring nilang ate. Nangingibabaw rin ang kanyang kagandahan dahil sa pagiging mestiza, baby-face at masayahin.

Ikinasal si Vandolph at Jenny noong December 3, 2007. Sila ay nagkaroon ng isang anak na lalaki na pinangalanan na Vito. 

Noong taong 2016 ay tumakbo si Vandolph bilang councilor sa 1st District ng ParaƱaque at siya naman ay nanalo.

Ang kanyang asawa na si Jenny ay nanalo rin bilang barangay kagawad sa Tambo, ParaƱaque.

Sa mahigit na sampung taon nilang pagsasama ay makikita na sweet na sweet pa rin sila sa isa't isa. 

Sa isang TV guesting ni Vandolph ay tinanong siya ng Boy Abunda kung siya ba ay faithful sa kanyang asawa.

Sinagot ni Vandolph ng direkta ang tanong na walang pag-aalinlangan.

"Of course, ako straight to the camera, of course! Kasi yung pinagdaanan ko before, nung bata ako di ko sinasabing mali ung dad ko, mali yung mom ko. Ayaw ko lang pagdaanan ng mga anak ko yung napagdaanan ko."

Dahil galing si Vandolph sa broken family, ay nais niya na ang kanyang sariling pamilya ay ideal at buo. Na kung saan ang kanilang anak ay magkaroon ng problema ay silang dalawa ni Jenny ang lalapitan nito.

Kahit matagal na rin ang kanilang pagsasama ay clingy pa rin si Vandolph sa kanyang asawa. 

"Clingy ako e. Kahit nakasandal lang. Para akong pusa at saka we always find time for ourselves."


Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso