Kung Madalas Kang Magkaroon Ng Tigyawat o Acne Iwasan Ang 5 Pagkaing Ito

Unang-una sa lahat, walang taong gustong tinutubuan ng tigyawat/pimples o acne. Minsan kahit na ikaw ay kumakain ng tama, mayroon talagang mga pagkaing nakakapagdulot ng pimple breakouts. Kaya kung nais na maiwasan ang pagkakaroon ng tigyawat, dapat ay iwasan ang mga top 5 na pagkaing ito.

1. Fried foods o piniritong pagkain

Ang mga pagkaing mamantika ay nakakapagpalala lamang ng iyong acne. Ang taba at mantika sa mga processed fried foods ay ginagawang mukhang unhealthy ang iyong balat at nagreresulta sa pagkakaroon ng excess oil sa ating balat.

2. Artificial juice drinks at soft drinks

Ang mga juice na mayroong artipisyal na pampatamis at mga softdrinks ay nagtataglay ng napakaraming amount ng asukal. Ang mga inuming ito ay wala ring taglay na fiber na kung saan ang fiber ay isang napakaimportanteng nutrisyon upang maiwasan ang blood sugar spikes. Kaya kung walang fiber ang iyong kinakain o iniinom, lilitaw ang premature aging sa iyong balat. Gayun din ang asukal na nakakapagdulot ng wrinkles.

3. Junkfoods o chitchirya

Isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng acne breakout ay dahil sa pagbabago ng hormones sa katawan. At kapag mga unhealthy foods tulad ng chitchirya ay iyong madalas na kinakain, ang mga ito ay mayroong mataas na carbohydrates at oils na nakakapagpabago sa ating hormones.

4. Chocolate

Ang matamis na chocolate ay nakakapagdulot ng pagdami ng acne-causing chemicals sa ating balat. Isa rin sa mga rason kung bakit ito ay dapat iwasan dahil ang sugar nito ay maaaring maging dahilan ng paglitaw ng mga tigyawat. Mas maganda kung dark chocolate na lamang ang kainin dahil mababa ito sa sugar at nagtataglay pa ng antioxidants.

5. Ice cream

Sinasabi sa mga siyentipikong pag-aaral na ang gatas ay isulinogenic na ang ibig sabihin ay ang katawan ay nagpo-produce ng insulin sa tuwing iinom ka ng gatas at ito ay hindi maganda sa balat. At dahil ang ice cream at gawa sa gatas at asukal, hindi nakakapagtaka na ito ang dahilan ng paglabas ng iyong mga tigyawat. 

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Ginawa Ng Estudyanteng Ito Ang Improvised Ballpen Na Gawa Sa Kahoy Dahil Pursigido Siyang Makapag-aral Kahit Wala Siyang Gamit