Limang Pagkain Para Sa Makinis At Healthy Na Balat

Lahat tayo ay nais magkaroon ng soft, smooth, at healthy skin. Sa dami ng mga beauty products na nakalabas sa merkado, mas nanaisin mo pa rin ang natural dahil mas safe ito at walang halong kemikal. 

Narito at alamin ang 5 pagkaing makakatulong upang ma-achieve ang magandang balat.

1. Petchay o bok choy

Ang bok choy/ Chinese cabbage o mas kilala bilang petchay ay nagtataglay ng maraming mineral, bitamina at iba pang nutrisyon na benepisyal sa balat at buhok. Ito ay mayroon mga pro-vitamin A antioxidants na isang powerful receipe na nakakatulong upang maimprove ang appearance ng iyong balat. 

Maaari rin itong gawing juice, ihalo sa lemon at inumin araw araw.

2. Mansanas

Ang mga apples ay nagtataglay ng napakaraming nutrisyon para sa balat. Mayroon ang mga ito ng mataas na content ng vitamin C na nakakatulong sa pagbuo ng collagen para sa elasticity ng balat. At fiber na nakakatulong na rin sa digestion.

Maaari itong kainin o kaya ay i-extract ang katas nito.

3. Beets

Ang beetroots o beets ay ekselenteng mapagkukunan ng mga antioxidants na mayroong anti-aging effects sa balat. Nakakatulong itong ma-neutralize ang mga free radicals na dahilan ng pagkakaroon ng dull skin. Maaaring ihalo ang katas ng beetroots sa lemon juice o pineapple juice.

4. Carrots

Ang carrots ay mayroong cleansing effect sa ating liver na nakakatulong upang ma-improve ang skin tone. Ang beta-carotene na isang antioxidant ay nakakatulong sa pagprotekta ng mga skin cells laban sa mga harmful free radicals sa paligid. 

5. Lemon

Alam niyo naman na ang lemon ay nakakatulong upang mapaputi ang balat. Ito ay may taglay na vitamin C, citric acid at antioxidants na pinapataas ang collagen production sa katawan. Maaaring uminom ng lemon juice araw-araw o kaya naman ay ipangpahid ang lemon sa mga parte ng katawan na nais paputiin ngunit maging maingat lamang dahil pwede itong makairita sa sensitibong balat.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!