Limang Senyales na may Sinusitis na ang Inyong Anak!




Kadalasan, ang pagkakaroon ng simpleng lagnat, ubo at sipon ay hindi na natin gaanong pinapansin dahil alam nating ito ay kusa namang mawawala. Importante pa din ang pagkakaroon ng kaalaman kung ano nga ba ang mga sintomas o senyales ng mga karamdaman na ito. Tulad na lamang ng pagkakaroon ng sipon sa mga bata. Madalas hindi ito pinapansin ng mga magulang dahil sa pagkakaalam na ito ay mawawala din naman agad. Subalit ang hindi natin alam ay maaaring ito na pala ay isang k0ndisyon na kung tawagin ay sinusitis.


Ano nga ba ang pinagkaiba ng sinusitis sa common cold?



Ang sinusitis ay isang pamamaga sa ilong na hindi nawawala. Dahil rito nagkakaroon ng pagbara sa likod ng ating ilong at napupuno ng mga bacteria at fluid ang sinus. Ang sipon ay nagdudulot ng pamamaga ng lining sa ilong at sinus cavities. Kaya naman ito ang nagiging sanhi ng pagtulo ng sipon sa ating ilong. 


Paano nga ba malalaman kung simpleng sipon lang ito o sinusitis na pala?

1. Swelling on the side of the eye 

Napapansin mo ba ang iyong anak na namamaga ang kaniyang gilid na mga mata sa tuwing pagising sa umaga o kaya naman tuwing galing sa pagtulog? Kung oo ang iyong sagot maaaring ito na ang isa sa sintomas ng sinusitis na kung saan hindi lamang basta sipon ang kaniyang dinaramdam.

2. Bad Breath


Subukang amuyin ang hininga ng iyong anak kapag dumaranas ng sipon. Kung mapapansing madalas na maamoy ang pagbaho ng kaniyang hininga kahit na madalas pa itong magsipilyo ay sintomas na ito ng sinusitis.

3. Head ache

Ang pagsak!t ng ulo ay karaniwang nararamdaman sa tuwing magkakaroon ng sak!t. Isa rin ito sa sintomas ng pagkakaroon ng sinusitis ng iyong anak. 




4. Fever


Kung nilalagnat na ang inyong anak dahil sa kanyang sipon, ito ay isang senyales na may sinusitis na ang bata. Ngunit kung ang iyong anak ay dumaranas ng lagnat ng mahigit apat na araw hanggang isang linggo ay kumunsulta na sa doktor upang maagapan ito. Para na rin ito sa kaagarang kagamutan at pag-iwas sa iba pang komplikasy0n.

5. Cough and Common cold

Ang pagkakaroon ng sipon ay kaakibat nito ang pag-ubo. Madali lamang magamot ang mga ito. Ngunit kung hindi ito nawawala ng mahigit sampung araw ay isa na itong senyales ng sinusitis. Kaya naman obserbahan ang iyong anak upang mabigyan ng kaagarang kagamutan.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!