Mapagmahal At Supportive Na Boyfriend Pinag-aaral Hanggang Makatapos Sa College Ang Kanyang Nobya


Pinuri ng maraming netizens ang pagiging mapagmahal at supportive na boyfriend ang isang lalaking kinilala bilang si Ador Adrian Gabrieles na nagsikripisyo ng kanyang sarili para lamang mapag-tapos ang kanyang girlfriend sa college.

Ayon sa kanyang social media post, ang kanyang nobya na si Aira Arcamo ay malapit ng maabot ang kanyang mga pangarap lalo na't siya ay ga-graduate na sa kolehiyo.

Si Ador ang nagsilbing daan upang makapagtapos ang kanyang girlfriend sa pag-aaral dahil sinuportahan niya ito at siya ang tumulong sa pagpapaaral ni Aira. 

Noong nag-aaral si Aira ay namasukan at nagtrabaho si Ador bilang bagger sa isang local grocery store. At dahil pursigido talaga ito na tulungan ang kanyang nobya sa problemang pinansiyal, ay nag-train siya ng mabuti upang makapagsila ng fluent English at ito ay naging daan upang makapasok siya bilang isang call center agent sa isang call center company.

Sa kanyang kinikitang sweldo buwan-buwan ay nagtatabi na siya para sa tuition fees ni Aira sa kolehiyo. 

Naibahagi niya na maraming mga nagsasabi na hindi niya dapat pinag-aaral ang kanyang girlfriend dahil baka iwanan lamang siya nito.

"Maraming naghusga. Maraming nagsasabi na tanga daw ako, na kapag grumaduate daw si Aira, maiiwan ako. Na kapag may nahanap daw siya na lalaking mas maganda ang trabaho sa akin ay magiging mag-isa na lang ako."

Ngunit hindi nagpadala si Ador sa mga sabi-sabing ito, sa halip ay sinunod niya ang kanyang puso. Gusto rin niyang patunayan sa magulang ni Aira na kung gaano siya kaseryoso sa kanilang anak at kung gaano niya ito kamahal. 

Kung tutuusin, ang magulang ni Aira ay isang engineer at isang teacher. Ngunit nais ni Ador na magkaroon ng maganda imahe ng isang mapagmahal na nobyo, may pangarap na asawa, at huwarang ama sa mga magiging anak nila sa hinaharap. 

At kung darating man ang panahon na iiwan man siya ni Aira ay hindi daw siya magsisisi na pinag-aral niya ang kanyang nobya dahil siya naman ang nagiging rason kung bakit siya nagiging masaya.

Kaya naman sa graduation photo ni Aira ay isinama niya ang kanyang nobyo at kasama itong nagpose sa letrato.

Comments

  1. Woww humahanga po ako sayo sana magkatuluyan kayo po itinadhana

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Maine Mendoza, Pinasilip ang Kaniyang mga Assets at Totoong Net Worth

Sila ang Ilan sa mga Kilalang Artista Noon na Nahirapan sa Buhay Matapos Iwanan ang Kanilang Showbiz Career

Top 10 Young Millionaire Celebrities ng Ating Henerasyon Ngayon!

Isang Kasambahay sa Singapore, Isang Beses Lang Pinapakain Sa Isang Araw ng Kaniyang Amo at Binubuhusan ng Tubig Kung Ito ay Hindi Agad Nagising ng 5 am!