Maswerteng Pinay Maid Nakatanggap Ng Mga Mamahaling Gamit At Php 500k Sa Kanyang Amo Sa Saudi



Maraming mga kwento tungkol sa mga OFW na hindi tinatrato ng mabuti ng kanilang amo. At iilan lang ang mga masuswerte na nakajackpot dahil sobrang bait ng kanilang mga amo. Tulad ng isang Pinay maid na ito na napunta sa mga among mapagbigay at matulungin.

Ang 31 taong gulang na si Mhai San Pedro ay nagtrabaho bilang isang maid sa Middle East upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Noon ay nakatira lamang sila sa isang barung-barong na puro itlog lang ang kinakain sa araw-araw. 

Siya at ang kanyang asawa ay dating nagtatrabaho sa isang factory, at kahit pagsamahin ang kanilang kinikita noon ay hindi ito sapat. At ang mas nakakalungkot pa ay ang kanilang pangatlong anak ay naipanganak na mayroong pulm0nary conditi0n. Sila ay nabaon sa utang dahil sa pagpapagamot sa kanilang anak.

Kaya naman ito ang naging motibasyon niya upang lumipad sa abroad upang makipagtrabaho at mamasukan bilang isang domestic helper sa Saudi Arabia. 

Nagtrabaho ng maigi si Mhai sa kanyang mga amo at maswerte naman siya dahil napunta siya sa mga mababait na amo na binibigyan siya ng mga mamahaling gamit tulad ng mga designer bags, pabango, sapatos, make-up at cellphone. Nang malaman ng kanyang mga amo na ang pamilya ni Mhai ay nakatira lamang sa barung-barong ay tinulungan siya na makapagpatayo ng bahay.

Sa loob ng 8 na buwan na pakikipagtrabaho ay hindi lamang ang kanyang sahod ang kanyang natanggap kundi binigyan pa siya ng extrang cash para maipagawa ang kanilang bahay. Kung susumahin, siya ay binigyan ng 35,000 riyals o katumbas sa Php 500,000 para sa pagpapagawa ng bahay.

Bukod pa rito sa konstruksyon ng kanyang bahay ay tinulungan din siya na mabayaran ang mga hospital bills ng kanyang anak. 

"Bukod sa love at care, eh tinulungan talaga nila ako na magpagawa ng bahay. Nagpapagawa na ako ng bahay na magiging komportable na tulog ng pamilya ko kahit umuulan. Bilog ang mundo, hindi habang buhay nasa ilalim tayo."

Ibinahagi pa niya na ang buong pamilya ng kanyang amo ay nagtulong tulong upang makapag-contribute ng pera kay Mhai. Noong panahon na iyon ay nawawalan na siya ng pag-asa ngunit laking gulat nito ng iniabot sa kanya ang pera para sa pagpapagamot ng kanyang anak. 


Comments

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso