Milyonaryong Ama Handang Magbigay Ng Milyon Sa Lalaking Magpapakasal Sa Kanyang Anak


Isang mayamang lalaki ang naging viral matapos maglabas ito ng pahayag na kung sino man ang lalaking magpapakasal sa kanyang anak ay pagmamanahan niya ng napakalaking halaga ngunit sa isang kondisyon.

Isang mayamang durian trader na kinilala na si Anont Rotthong sa Chumphon, Southern Thailand ang nagpost sa kanyang social media account at nagdeklarang magbibigay siya ng 10 million baht katumbas sa higit 16 milyong piso sa lalaking handang magpakasal sa kanyang 26 taong gulang na bunsong anak. 

Ang maswerteng lalaking handang magpakasal sa kanyang anak ay siyang magpapatakbo ng kanilang family business, bibigyan ng kahit 10 kotse, bahay, at 2 durian market. Ngunit dahil malaking halaga ang pinag-uusapan dito, nagbigay siya ng isang kondisyon. Siya ay hindi dapat sugarol. 

Ngunit bago ang lahat, ang kanyang anak ay naka-graduate with flying colors sa Assumption University at mayroong master's degree sa Sun Yat-sen University sa China.

Narito ang kanyang naging pahayag sa kanyang social media account:

"Anyone who knows how to buy and select durian and source the fruit from the orchards can take my daughter's hand. I won't ask for a single baht in dowry from him but will instead give him 10 million baht in cash, 10 vehicles, a house, two durian markets and the daughter who graduated with honors from Assumption University and had a master's degree from Sun Yat-sen University in China."

Agad na nagviral ang kanyang post kaya marami ang naging interesado sa kanyang offer. Ayon sa mayamang ama, kaya niya ginawa iyon dahil siya ay nag-aalala na ang kanyang anak ay baka hindi makapag-asawa kung naghintay pa siya ng mahabang panahon.

Sinabi rin niya na malapit na siyang magretire at nais na niyang iturn-over ang kanilang business.

"The man who will join my family must be good and must not be a gambler. Importantly, he must be hard working and truly love my daughter."

HIndi naman daw kailangan na mayaman o may mataas na pinag-aralan ang lalaki. Dahil siya rin mismo noon ay nagsimula sa wala. Ang nais lang niya ay makahanap sila ng isang lalaking masipag, mabuti, at mamahalin ng tunay ang kanyang anak. 

Ang kanyang anak naman na si Kansita Rotthong ay hindi tutol sa desisyon ng kanyang ama. 

"At first, I thought my dad was joking but it turns out he's seriously looking for a son-in-law. My siblings and I respect his decision."

Comments

  1. Im interested to marry her... I dont need money... One of i need is true love and happy family....

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Nakatagpo Ang Isang Lalaki Ng Isang Kakaiba At Higanteng Hugis Na Itlog Sa Kanyang Lupain

Limang Pangit na Epekto ng Gadget sa mga Bata na Hindi Napapansin ng mga Magulang!

Mag-asawa Nakatagpo Ng Isang Bagay Na Inilabas Ng Isang Balyena, Milyon-Milyon Ang Halaga

Kilalanin ang Panganay na anak nina Gelli De Belen at Ariel Rivera na Talagang Bibihag sa inyong Puso