Nagsuot Ng Pink Na Bistida Ang Single Dad Na Ito Para Lamang Makapag-Attend Sa Mother's Day Event Sa School Ng Kanyang Anak



Saludo talaga tayo sa mga magulang na gagawin ang lahat maibigay lamang ang lahat ng pangangailangan ng kanilang mga anak. At dahil sa wagas na pagmamahal ng mga magulang sa kanilang anak, ay kahit anong sakripisyo at maging ang mga bagay na imposible ay magagawan nilang paraan. 

Tulad na lamang ng isang single dad na ito na hindi pinalampas ang Mother's Day event sa school ng kanyang anak. 

Nakilala ang ama bilang si Chatchai Parn-uthai na taga Thailand. Siya ang tumatayong ama at ina sa kaniyang dalawang anak simula nang mahiwalay sila ng kaniyang asawa. Bilang isang single parent ay naranasan niyang harapin mag-isa ang mga pagsubok ng pagiging isang responsableng magulang.

Isang araw ay nagkaroon ng event sa eskwelahan ang kanyang anak na kailangimban ay kasama ang kanilang nanay. Ngunit imbes na hindi makapag-attend ang kanyang mga anak ay gumawa ito ng paraan.

Dahil wala ang nanay ng kanyang anak at ayaw niya itong mapag-iwanan ay nagsuot siya ng pink na bistida at mayroon pang ribbon sa buhok upang magpanggap bilang nanay. Kakaiba man ang ginawa niya ay hindi niya ito ikinahiya.

Ayon sa kanya, kahit siya man ay isang single parent sa kanyang dalawang anak ay gagawin pa rin niya ang lahat para lamang sa kanila. Dahil ayaw niyang maramdaman ng kaniyang mga anak na sila ay inferior sa ibang bata dahil wala lang ang kanilang nanay. 

Ayon kay Chatchai, hindi siya nahiya na suotin ang pink na dress para sa kanyang mga anak dahil mahal na mahal niya ang mga ito. At basta napapasaya niya ang mga ito ay worth it naman ang kanyang ginagawa. 

Nang ishare ng isang netizen ang post na ito tungkol sa mag-ama ay maraming netizens ang humanga sa ginawa ng single dad. Si Chatchai ay nagsilbing isang mabuting ehemplo ng pagiging isang mabuti at supportive na ama sa kanyang mga anak.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera